Episode 2: Chase (April 24, 2021)

81 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 2 - Episode 2: Chase (April 24, 2021)

Warning: This chapter contains a mature scene. Read at your own risk.

"Ang tita Nico ang nag-alaga sa 'kin simula nang pinanganak ako ni mother. S'ya nga ang bumili ng mga unang gamit ko no'n kasi busy ang father ko sa work n'ya so dapat medyo in-expect na niya na makukuha ko ang ugali nila ni kuya Den."

2000

"Nico, ito ang pera. Punta kayo sa mall at bumili kayo ng mga kakailanganin ng bata. Hahabol pa kasi ako ngayon sa trabaho. Sige, aalis na 'ko. Gabi na ako uuwi. Magpasama ka na lang sa d'yowa mo." bilin ni Rudolph bago siya umalis ng bahay.

"Sige po, kuya. Dadalhin na lang po namin si baby Narh." pagpayag naman niya sa iniuutos ni Rudolph.

"'Yon ba ang pinangalan mo sa kan'ya?" tumango lamang si Nico sa tinatanong ni Rudolph.

"Lalaki pala ang anak namin?" nasabi na lang ni Rudolph na rinig na dinig naman ni Nico.

"Kuya, hindi mo po pala alam kung ano ang anak mo?" naguguluhang tanong ni Nico.

"Alam mo, ang dami ko kasing iniisip kaya nakalimutan ko siguro. Sige, aalis na 'ko. Baka mahuli pa 'ko n'yan." hindi na niya hinintay si Nico at agad nang umalis ng bahay. Si Nico naman ay naiwan at tinawagan si Den.

"Den, gala tayo. Sama natin si baby. Bumili na rin tayo ng mga gamit n'ya." pagkausap niya kay Den.

"Sige, Ni. Papunta na rin naman ako r'yan. Basta, pagkatapos natin sa mall, sa motel naman tayo." tugon ni Den.

"Den!" biglang namatay ang tawag.

"Ang bastos talaga ng lalaking 'yon!" nasabi na lang niya sa sarili. Pagkatingin niya sa sanggol...

"Ay! H'wag mong kagatin 'yan!" agad siyang tumakbo papunta sa sanggol at inilayo ang kinakagat nito sa kaniya.

"H'wag kang umiyak. Aalis na tayo." saway niya pa sa bata at binuhat ito. Ilang sandali pa, pagtapos tumahan ng bata ay dumating na rin si Den.

"Ni, nanay na nanay ka na ah." biro pa nito nang makitang buhat ang bata.

"H'wag mo 'kong binibiro nang gan'yan, Den. Ikaw ang magbuhat nito. Ako na ang bibili." pinabuhat niya ang sanggol kay Den at umalis na sila patungo sa isang mall.

"Tingnan mo, baby. Ang ganda at ang laki ng mall." nasabi na lang ni Den pagpasok nilang tatlo sa mall.

"Aywan ko sa 'yo. Para kang baliw." mas binilisan ni Nico ang paglakad niya hanggang sa makalayo siya kay Den.

"Nasa'n na 'yon. Ni, sandali, hintayin mo 'ko!" tumakbo naman siya upang mahabol si Nico ngunit...

"Aray ko naman, manong!" sigaw ng isang babae sa kaniya. Agad naman siyang napayuko upang tulungan ito.

"Pasens'ya na po, ale. 'Di ko naman po sinasadya." napatingin na lamang ang babae sa sanggol na hawak nito.

"Kaya naman pala, batang ama ka pala. Alam mo, hindi 'yan dapat ipinagmamalaki. Kaya hindi na kayo nagiging pag-asa ng bayan kasi inuuna n'yo ang kalandian niya pati 'yang libog n'yo." lait ng babae kay Den na bago pa makapagsalita ay tinabihan na ni Nico.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon