Episode 8: Comeback of the Slut (May 2, 2021)

60 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 3 - Episode 8: Comeback of the Slut (May 2, 2021)

Warning: This chapter contains a little bit of violence and mature language. Read at your own risk.

"So, mga six years ang dumaan at wala akong balita sa kanila tapos biglang pupunta ang mag-ama na 'yon. Ayos lang naman sa 'kin kung si paru ang bibisita sa 'kin pero bakit pa n'ya kailangang isama ang Law na 'yon. Nagtataka nga 'ko kung ano ba ang tunay nilang relasyon eh. Mag-ama ba talaga sila? O..."

2018

"Maganda na rin siguro 'yong sa pera ka na lang nakahiga. Tingnan mo nga, 'di nga tayo nakapag-aral na tatlo pero ang ganda ng buhay natin." ani Nico.

"Tama ka r'yan, ate. Ang galing naman kasi ni kuya sa business transactions at ikaw naman ate ay magling kang pumili ng mga models." pagpuri ni Death sa mag-asawa.

"Ikaw rin naman, Death. Wala naman lahat 'yong kung 'di magaganda 'yong mga idea mo para sa magiging designs natin." pagpuri din ni Den sa kaniya.

"It's a team effort after all. Congratulations sa second billion natin." tumayo na si Nico at binuksan ang ilaw.

"Ano ba 'yan, ate? Nadadala na 'ko sa pag-iilus'yon natin eh." tumayo na rin si Death at tinayo si Den.

"Aywan ko ba kung bakit n'yo 'ko sinama sa trip n'yo." umakyat na lamang si Den at iniwan silang dalawa.

"Hayaan mo na 'yon si Den. 'Di kasi nakaisa 'yon saka 'di 'yon magaling sa acting." habang tumatawa ang magtita ay biglang may tumunong.

"Ate, tingnan mo na 'yon, baka kliyente na 'yon." ani Death.

"Doorbell 'yon, tanga." lumabas na si Nico at binuksan ang tarangkahan.

"Nico, ikaw pala 'yan, p'wede ba kaming pumasok sa loob?" bati ng lalaki sa kaniya pagkabukas ng gate.

"Sige, kuya. Pasok na kayo ng anak mo." agad namang pumasok sa loob sina Rudolph at Law.

"Sandali lang ah, ipaghahanda ko lang kayo ng makakain." iniwan ni Nico ang mag-ama sa sala at pumunta sa kusina.

"Law, h'wag mong tutularan ang mga tao rito, umagang-umaga eh nag-iinuman na. Tingnan mo pa 'tong si Narh, nakabuka pa ang bibig kung matulog." mahinang parangal ni Rudolph kay Law pagkaupo nila.

"Paru, h'wag ka pong gan'yan. Saka sabi n'yo nga po na dapat na po akong makipagbati kay Narh." binuksan ni Law ang kaniyang bag at nilabas ang isang box.

"Tingnan mo nga, may ireregalo ka pa nga sa kan'ya. Para hindi na rin sayang 'yan, ibigay mo na 'yan ngayon at iiwan muna kita rito kasi may pasok pa ako sa opisina." hindi na hinintay ni Rudolph ang sasabihin sana ni Law at agad na umalis ng bahay nila Nico.

"B'wisit talaga 'tong si paru. Kung wala lang talaga s'ya rito eh." nasabi na lang ni Law habang nakatingin kay Death. Ilang sandali pa ay bumalik na si Nico na may dalang kandado.

"Death, gumising ka na. May gustong kumausap sa 'yo." tinapik nang bahagya ni Nico si Death na bigla namang napatayo.

"Busy ako, ate. Sino ba 'yang b'wisit-a (bisita) ko?" tumingin lamang sina Nico at Death sa lalaking katabi ni Nico.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon