Episode 6: Caught in the Act (April 28, 2021)

60 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 2 - Episode 6: Caught in the Act (April 28, 2021)

Warning: This chapter contains a little bit of violence. Read at your own risk.

"Si Law? Law-ko (loko) 'yon eh. Ang sarap-sarap n'yang Law-biran (lubiran). Ang sarap din niyang i-Law-b-Law-b (ilublob) sa kumukulong tubig 'yong mga two hundred twelve degrees, no, not Fahrenheit, malamig pa 'yon panigurado para sa kan'ya, so Celsius. 'Di s'ya marunong Law-mugar (lumugar) sa pamamahay namin, sipsip gano'n. At dahil pa sa ginawa n'ya sa 'kin, gusto ko s'yang Law-muha (lumuha) ng dugo hanggang manuyot s'ya."

2012

"Paru, narito na po pala kayo. Tulungan ko na po kayo." bati ni Law kay Rudolph na maraming dinadala.

"Salamat, anak. Para sa 'yo naman halos lahat ng 'to." nilabas ni Rudolph ang unan at kumot at inabot ito kay Law.

"Thank you po, paru. Good night po." agad na umakyat si Law papunta sa kuwarto na dala ang ilang pinamili ni Rudolph para sa kaniya.

"Kuya, tara na po, matutulog na raw po sabi ni paru." tumabi si Law kay Death.

"Ano 'yang mga hawak mo?" tanong lamang ni Death.

"Binilhan po ako ni paru ng mga gamit. Ang dami nga po eh kaya lang 'di ko po madala lahat." sagot lamang ni Law na biglang nagpatayo kay Death.

"Dito ka lang. Mag-uusap tayo mamaya. Ayusin mo na lang muna 'yong higaan." agad na lumabas at bumaba si Death para puntahan si Rudolph.

"Narh, nar'yan ka na pala. Pakitulungan nga 'ko rito sa mga gamit para sa kapatid mo." bungad sa kaniya ni Rudolph na may mga bag na dala.

"Paru, 'yong para sa akin po, nasaan?" tanong lamang ni Death paglapit niya kay Rudolph.

"Ito, oh." inabot ni Rudolph ang isang box kay Death na agad naman niyang tinanggalan ng balot.

"Robot 'yan, anak, h'wag mong ibabagsak." biglang sumama ang tingin ni Death sa kaniyang ama at 'di na pinagpatuloy ang pagbukas ng box.

"Eh ayaw ko naman nito eh." inangat niya ang box at binitawan ito.

"Bakit mo naman hinagis 'yan? Ang mahal n'yan tapos sisirain mo lang. Kung ayaw mo, sana sinabi mo para sana binigay ko na lang sa kapatid mo!" pinulot ni Rudolph ang hinagis ni Narh at tiningnan kung maayos pa ito.

Samantala, sa kuwarto ni Death...

"Baka may gawin na naman si kuya kay paru. 'Di ko talaga alam sa kan'ya, ang bait naman kaya ni paru lalo na sa 'kin." nasabi na lang ni Law habang nag-aayos ng higaan. Ilang sandali lang ay itinaas niya ang unan ni Death at nakita niya ang magazine.

"Ito 'yong binabasa n'ya kanina. Tingnan ko nga rin." agad namang binuksan ni Law ang magazine.

"Hala! Bakit puro lalaking nakahubad 'yong narito? So ibig sabihin nito na bading si kuya?" nasabi na lang niya sa sarili habang tinitingnan ang laman ng magazine. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng nagsisigawan.

"Alam mo po, mas anak mo pa po 'yang ampon na dinala mo rito kaysa sa 'kin. Bigyan n'yo naman po ako ng respeto dahil ako po ang tunay n'yong anak at hindi ang ampon na 'yon!" dinig ni Law mula kay Death. Bigla siyang lumapit kay Rudolph.

Conversion (Consented Reversion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon