Jaydee's POV
Today is our game 1. Kinabahan ako, hindi dahil sa laro, kundi dahil kay Madie. Baka magpakita siya rito. Baka guluhin niya kami. Like what I said before hindi marunong magpatalo si Madie.
Nandito na kami sa hideout, nag-iintay lang na magstart na yung laro. Nag iistretching at nagpeprepare.
"Babe! Goodluck sa laro, I love you!"
Si Queen pala, napakasupportive talaga."Thank you, baby Queen. Gagalingan ko para sayo promise." I said at niyakap siya
"Tamis naman!" Pang-aasar ni ate Bea, team captain namin. Pinakasikat na player sa team, magandang gwapo rin kasi.
"Goodluck po sainyo ate Bei at sa team niyo." Sabi naman ni Queen
"Thank you, Frances!!" Ate Bei said. Close rin naman talaga sila sa team.
----------
Game 1
Nanalo kami ngayong game 1
1st set: 25-22
2nd set: 25-23
3rd set nagovertime pa pero naipanalo parin namin 29-27 ang score.Ako ang player of the game at ako rin ang iinterviewhin
"15 points, 12 attacks and 3 blocks, wow! That's a nice start for game 1, you have a chance to be the MVP of the season based on your stats. Paano mo nga ba pinaghandaan ito, Jaydee?" Ate Laura said, siya ang courtside reporter ng Ateneo.
"I'm just playing my heart out ate, training lang ng training. Also, I wouldn't be here without my teammates, sila rin yung nagpupush sakin." I said at ngumiti sa camera
"Sino nga ba ang inspirasyon mo bukod sa pamilya mo?" She asked
"My inspirations are my friends and ofcourse si Frances. Hi, Queen." I said at nagwave naman ako kay Frances na nasa VIP seat
"Naks naman! That's all for our player of the game, back to you, guys!" Ate Laura said
---------------------
Game 2
This may be our last game kapag nanalo kami. Kinakabahan parin ako, because of Madie. Araw-araw ko nang naiisip yun, buti hindi siya nagpakita nung game 1. Baka madistract lang ako.
Nagstart na ang game 2 namin. 1st set palang sobrang crucial na agad at nag overtime rin, pero nakuha parin namin ang 1st set.
Inaamin ko, pagod na ako, bihira lang ako pagpahingahin ni Coach.
Natalo kami sa 2nd set. Pinagpahinga muna ako.
"Babe!" Si Frances pala
"Go, babe! Kayang-kaya mo yan. Galingan mo, nandito lang ako
nagchecheer sayo." She said. Aww."Thank you, my Queen. Babawi kami, promise." I said at hinalikan siya sa noo. Sakto naman na tinawag ako ni Coach O.
"Jaydee, come here! Ipapasok na kita, natatambakan nanaman ang team, alam kong kaya mong bawiin yan." Coach said at tinap naman yung likod ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nakapuntos na agad ako, hindi lang isa, kundi sunod-sunod dahilan para magtie kami 23-23, natambakan ang team kanina with 17-23 in favor of La salle.
Nakuha namin ang set with my straight points, 8 points streak ako to be exact.
"Go girls! Kaya niyo yan. Focus on the game lang, just play your heart out. Kunin niyo na 'tong 4th set, para magchamps na kayo. Alam kong kaya niyo yan. Deanna lagi mong titignan ang mga spikers mo, pagnakitang mong walang blocker, give her the ball. At ikaw naman Bei, kapag alam mong nagbabanta nang mag ispike ang spiker nila, iready mo na ang pag block mo. Lastly, you Jaydee, magfocus ka lang sa laro, go and get that MVP, ikaw ang top scorer among all the players ngayon." Coach O said.
BINABASA MO ANG
CHANCES (completed)
FanfictionIlang beses mo bang bibigyan ng pagkakataon ang taong mahal mo para mapatunayan niya ang totoong pagmamahal niya sayo?