Gabb's POV
We are on the sa mall, kaming dalawa ni Akin. Gusto ko lang namin magdate, nakasanayan na kasi namin 'to kahit mag-asawa na kami.
"Akin, napansin ko si Jaydee dun kanina sa sofa, tulala nanaman." She said. Lagi nalang naming napapansin na ganun si Jaydee, tahimik at tulala. Naaawa na nga ako sakanya eh, gusto ko nang kumprontahin si Frances. Matagal ko na sigurong ginawa kung hindi lang siya buntis.
"Gusto ko na nga kausapin si Frances, Akin eh. Nagbabago na si Jaydee ulit, bumabalik na siya sa dati katulad nung naghiwalay sila for a year. Hirap din kasi ng ganun, buti kinakaya pa nga." I said.
"Kaya nga eh, harap-harapan pa talaga. I didn't expected na magagawa ni Frances yun." She said at lumingon naman sakin
"Kaya ikaw, Akin. Subukan mo lang mambabae, mawawala sayo dalawang anak mo." She said. As if naman eh kotang-kota na 'ko sa asawa ko. Dalawa na anak namin ang sexy at ang ganda parin. Tsaka walang makakapantay sa pagmamahal niya sakin noh.
"Alam mo, Akin, kahit napakatoyoin mo lalo na nung buntis ka. Never kong naisipan na magcheat or ipagpalit ka. Hindi mo deserve yun, nasayo na kaya lahat. Walang makakapantay sa kagandahan mo, hindi lang panlabas kundi pati yang puso mo." I said at ayun na nga po, namumula na siya.
"Akin, mukha ka ng kamatis." Pabiro kong sabi at nakatanggap naman ako ng kurot, loko to nagdadrive ako eh..
"Joke lang naman, Akin. I'm driving po oh and then you made me kurot parin." Pabebe kong sabi Hahaha minsan lang yan guys, pagbigyan niyo na
Pagkatapos ng ilang minutong byahe. Nandito na kami sa Trinoma.
"Where do you want ko eat, Akin?" I asked
"Gusto ko ng ramen, Akin. Tokyo tokyo tayo." She said at hinanap naman namin yung tokyo tokyo.
Nag order na kami at naupo. Habang naghihintay kami ay may napansin akong pamilyar na babaeng dumaan sa labas ng tokyo tokyo.
"Akin, si Frances ba yun?" Tanong niya sakin. Sabi ko na eh pamilyar nga.
"Parang si Frances nga, kaya pala parang pamilyar." I said at nilingon ko ulit sila. May nakaakbay sakanyang babae.
"Sino yung nakaakbay sakanya?" Tanong ko sa asawa ko.
"Aba ewan, imposibleng si Jaydee yan kasi nasa bahay siya." Sabi naman nito kaya't naisipan kong itext si Jaydee
To:Jaydee
"Dong, saan ka? "
*Sent*
From: Jaydee
"Nasa Mansion parin po ate, bakit po?"
*Received*
Nang mareceived ko ang reply niya ay agad ko itong sinabi kay Akin.
"Akin napansin mo ba kung saan sila nagpunta? Gusto kong malaman kung sino yung kasama niya para masabi ko kay Dong." I said
"Tignan mo lang yung mga resto na malapit dito, Akin. May pinasukan sila sa isa sa mga yan, hindi ko lang matandaan." Sabi niya. Sinuot ko ang Cap at mask ko para hindi halata. Lagi na talaga kaming may dalang ganito dahil marami paring nakakakilala samin kahit matagal ng disbanded yung group.
Lumabas ako at dahan-dahang pinagmamasdan ang mga katabing Resto ng Tokyo tokyo. Paglagpas ko ron sa isa, ayun nakita ko na si Frances, and she's with
BINABASA MO ANG
CHANCES (completed)
FanficIlang beses mo bang bibigyan ng pagkakataon ang taong mahal mo para mapatunayan niya ang totoong pagmamahal niya sayo?