Chapter 21

1.2K 96 6
                                    

Frances'POV

Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko. Sobrang tanga ko na hinayaan kong magkaganun si Jaydee. After all of this time, wala naman palang kasalanan si Jaydee.

Nasira ko lahat, pati narin ang relationship na pinangalagaan namin ng limang taon, kasal na nga dapat kami eh.

About Kielle, she admitted that she likes me. Sinabi niyang manliligaw siya sakin pero sinabi kong hindi pa ako handa. I still love Jaydee.

*Flashback*

Magkasama kami ni Kielle sa condo ngayon dahil sinabi niyang wala siyang work for today. We decided ti watch a film, Through night and day. In the middle of the film, she confessed something to me.

"You know what, bub. Ang swerte na ni Jaydee sayo nagawa niya pang magloko. Kung ako yung hindi ko na gagawin yun, sobrang worth it mo kayang mahalin." She said at napalingon naman ako sakanya.

"What do you mean?" I said, I'm so confused of what she said.

"I like you, bub. Actually, mahal na nga ata kita eh." She seriously said

"I'm sorry, but I'm not yet ready to love again. I'm not yet healed and I know that I still love Jaydee even if she did something wrong to me." I said in a calm tone

"Sorry, Kielle. I'm thankful na tinulungan mo ako sa past months na kasama kita but friends lang talaga ang maiooffer ko sayo. Nothing more." I said at nagfocus na ulit sa movie na pinapanuod namin. She's speechless.

*End of flashback*

Nang makauwi na kami, I immediately texted Coleen. Siya nalang ang makakatulong saken. All of the are mad at me except sakanya. I do understand them naman, It's actually my fault. Kung ako rin naman ang kaibigan gagawin ko yun.

To: Coco

Coco, this is Frances. Nakauwi ka na ba?

*Sent*

After few minutes, she replied.

From: Coco

Yeah. Jgh.

*Received*

------------------------------

To: Coco

Can I call?

*Sent*

------------------------------

From: Coco

Sure. Wait, I'll just find a place na walang tao.

*Received*

-------------------------------

Few minutes after nagring ang phone ko at nakita kong si Coco na yun.

*OTP*

"Thank you for calling, Coco. Thank you dahil hindi ka galit saakin." I said as I wipe my tears. I can't help but to cry.

"After all, you're still my bestfriend, Frances. I'm still here for you. Ano ba yung gusto mong pag-usapan." She said

"Coco, please help me. Please help me to win her back. I know that I was wrong, gusto ko pang itama yung mga mali na yun." I said while still sobbing

"Kung ako lang ang magdedesisyon, why not diba. But I think kailangan mo munang makausap sila ate Gab, sila ang siguradong makakatulong sayo. Magsorry ka sakanila, Frances." Coco said.

"Yes. I'm planning to go there tomorrow. Even if Jaydee is not there. I hope kausapin ako nila especially ate Gab." I said.

"Sure. Text me tomorrow, alam ko hindi sila aalis tomorrow." She said

"Thank you so much, Coco. Sige na, I'll rest na para maaga akong makapunta diyan bukas." Yan na lamang ang nasabi ko. Hindi ko na mapigilang maiyak.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari bukas, I know that they are mad at me.

Kailangan ko 'tong gawin para sayo Jaydee.









--------------------------------------------------------

Gen. POV

*Kinabukasan*

Maaga nagising si Frances at agad naghanda sa pagpunta sa mansion. Hiniram niya ang sasakyan ng kaibigan na si Kielle.


7:30 am. Nakarating na ito sa labas ng mansion at naabutan si Ella na pinapaarawan ang kanyang anak.

Tinawag niya naman ito.

"Ate Ella!" Sabi niya, siya ay kinakabahan na rin sa mga susunod na mangyari.

Binigay niya muna ang baby doon sa yaya nito atsaka lumapit sakanya.

"Frances? Anong ginagawa mo rito?" Sabi naman nito. Kahit siya ay nagulat sa biglang pagpunta ni Frances.

"Pwede ko po ba silang makausap?" Tanong ni Frances sakanya.

"Pasok ka." Sabi naman ni Ella at pinapasok siya.

Nilapitan siya ni Ella.

"Frances, habaan mo ang pasensya mo at tanggapin mo nalang ang mga sasabihin nila. Wag kang magagalit sakanila, Frances. Alam kong masasabi lang nila yun dahil galit pa sila, pero alam kong mawawala rin yun, intindihin mo nalang ang mga ate mo." Sabi naman nito at hinatid si Frances sa sofa.

"Tawagin ko lang sila."  Sabi ni Ella at umakyat na



Sunod-sunod na nagbabaan sila Gab, Brei, Laney at Amy.

"Ang aga naman mang-istorbo." Sarkastikong sabi ni Amy.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang ganang tanong ni Gab sakanya.

"Wala na si Jaydee dito, wala ka ng dapat kausapin." Sabi naman ni Laney.

"Ano ba kayo? Para naman kayong mga bata, hayaan niyo muna siyang magsalita." Sabi naman ni Ella at naupo sa tabi ni Frances.

"Kayo po ang gusto kong kausapin mga ate." Nahihiyang sabi ni Frances, nakita niya namang napairap si Laney at Amy

"Mga ate, gusto ko po sanang manghingi ng tawad sainyo, sa nagawa ko po kay Jaydee. Nadala lang po ako ng galit ko. Nandito po ako para personally na manghingi ng tawad sainyo. Gusto ko rin pong makabawi kay Jaydee at alam ko pong kayo lang ang makakatulong sakin." Naluluhang sabi ni Frances.

"Too late for that. Wala na sirang-sira na lahat. Kahit tayo, yung samahan natin, matagal ng sira." Sabi naman ni Gabb sakanya.

"Kaya po nandito ako para magsorry sainyo, alam ko pong nagkamali ako sa part na hindi ko muna siya pinakinggan bago ako umalis noon. I'm here because I want to fix things out. I promise na babawi ako kay Jaydee, just help me with her." Sabi naman kay Frances. Tahimik lang ang iba at tanging si Gab lang ang hinihintay nilang magsalita.

"Sige. Tutulungan ka namin kay Jaydee. Pero sa ngayon hayaan mo muna siyang magpagaling sa States. Next month, uuwi siya para sa Birthday ng anak ko. Dun ka nalang magsimula. Pumayag ako dahil gusto kong sumaya ulit si Jaydee, alam kong ikaw lang ang makakapagbalik sa dating Jaydee na kilala namin. Ayusin mo na yan, Frances." Sabi ni Gabb at bumalik na sa kwarto.




---------------------------------------------------------



CHANCES (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon