Chapter 37

1.3K 111 30
                                    


Jaydee's POV

Today is the christening of our first baby. We are now on our way to church with the bigating ninongs and ninangs.

We are now here na sa church and the program already started with a short mass, hanggang sa pagbuhos ng holy water sa head ng babys. Hindi naman masyadong matagal ang pagbibinyag, siguro nasa 30 mins lang or something. Matapos ang pictorial bumalik na kami sa Mansion dahil doon ang venue.

Nagsimula na ang kainan nang may isang hindi pamilyar na sasakyan ang dumating sa harap ng mansion namin.

Pinagmasdan ko ito at nagulat ako nang iluwa nito si Kielle. What the hell is she doing here?

Sinalubong naman siya ng asawa ko at nakipagbeso pa rito, aray ha. Lumapit silang dalawa sakin.

"Babe, I forgot to tell you. Kinuha kong ninang si Kielle." She said. Just wow, she didn't even informed me. Tumango nalang ako, as if naman may magagawa ako.

"Pare, kamusta?" Tanong sakin ng asungot na 'to. Kung hindi lang binyag ng anak ko baka kanina pa 'to may black eye.

"Okay lang, kahit may asungot dito." Sabi ko naman.

"Pogi naman ng asungot na yun." Sabi niya at inirapan ko nalang, sumenyas sakin si ate Gabb na lapitan ko siya kaya umalis na ako.





"Anong ginagawa niyan dito?" Tanong naman nito pagkalapit ko sakanya.

"Kinuhang ninang ni Frances." Sabi ko naman. Nakakainis talaga, hindi manlang ako sinabihan.

"Hindi nagsabi sa'yo yung asawa mo?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Nako, halatang-halata na talaga masyado 'tong isa hahaha. Easyhan mo lang, Dong ah. Wag muna ngayon, masyado pang bata ang anak niyo." Sabi naman nito at tinap ang shoulders ko

Hindi ko na talaga alam ang mararamdaman 'ko. I feel like napapagkaisahan ako nung dalawang 'to. Pakiramdam ko wala na 'kong kakampi kundi si Ate Gabb lang.

Bakit ba kasi nangyayari lahat ng to? I thought okay na, pero eto nanaman siya, pumasok nanaman sa buhay namin. Buti sana kung ganon ganon lang eh, hindi na siya maaalis dahil ninang na siya ng anak ko.

Bakit kailangan magdesisyon ng mag-isa? Para saan pang naging asawa ako at magulang ng anak ko?

Eto nanaman ako, bumabalik nanaman yung sakit at takot. Anxiety attacks bish, parang lagi akong kinakabahan na ewan.




I can see them both, talking at ngiting-ngiti pa yung asawa ko. Wala, iba talaga yung ngiti niya kay Kielle eh.

This is not healthy anymore sa relationship, tas mag-asawa pa. What if kausapin ko nalang? Oh intayin ko talagang may mangyari ulit? Hays ewan.





Nagsimula ng mag-inuman ang iba dahil pagabi narin. Hawak-hawak ko si Thirdy, paano kasi umiinom nanaman sila Queen. Nasa iisang table ang mga walang alam sa nangyari before. Magkakasama si Laney, Thea, Amy, Coco at Frances sa iisang table at si Amy naman ang naglalagay ng alak at nagbibigay sakanila.

Si Ate Ella nagpapatulog na sa taas, habang kaming tatlo naman ay pinanunuod lang sila. Alam kong namomoblema rin tong dalawang 'to sa nararamdaman ko. Kaya nila ako sinasamahan.








Matapos ang ilang minuto ay naubos na nila ang isang bottle ng red label. Mahahalata mong mga tipsy na rin dahil itong si Kielle nagiging clingy na kay Queen, etong isa naman sinasabayan. Sakit niyo sa mata :(

Nagbukas pa sila ng isa pang bottle ng red label at sinimulan na ulit ubusin iyon.

Umakyat muna ako sa taas para patulugin ang baby Thirdy namin.



Pagbaba ko nakalahati na nila ang Isang bottle. Kumuha muna ako ng water sa kitchen dahil hanggang ngayon inaatake parin ako ng anxiety ko.

Tumayo naman si Kielle at napansin kong sinundan ito ni Frances.

Pumunta sila sa isang sulok sa bandang likod ng mansion kaya naman naisipan kong sundan. Take note, I'm still holding the glass of water.

"Dong, chill kalang ah. Sige sundan mo na." Sabi pa ni ate Brei.







Dahan dahan ko silang sinundan at nakita kong sumandal si Queen sa isang pader at sinimulan siyang halikan ni Kielle---



-to be continued-


Pabitin alert, may tatapusin lang ako Hahaha. Love you mga bebecakes, wag niyo kalimutang mag vote hehehe.

CHANCES (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon