Gab's POVMonths have passed mula nung mangyari ang issue na yun, next month one year old na ang anak ko.
A lot of problems came and as of now, sa States muna mag-iistay for better. Kailangan niya muna magpalakas ulit at kailangan din niya ng therapy for her heart. Last week bigla siyang nahimatay, thank God at nadala agad siya sa Hospital.
*Flashback*
I just got home from my office, pagkadaan ko sa may pool area, ayun nakita ko nanaman si Jaydee na may katabing Jack Daniels, hindi na namin siya masaway eh. Kahit anong pagbabawal ang gawin, nakakagawa parin siya ng way para makabili ng alak.
Nilapitan ko siya at kinuha yung alak, nagulat ako ng matumba siya.
"Ate Gab, nahihirapan akong huminga." Yan lang ang narinig ko sakanya and then she passed out.
I immediately brought her to the nearest hospital
After ng ilang tests na ginawa sakanya, sinabi ng doctor na mas humihina na raw ang puso niya at nagkakadamage na rin ang liver niya because of alcohol na nainom niya. Knowing Jaydee, kakain lang yan kung kelan niya maisipan at mas gugustuhin niya pang uminom ng uminom kesa kumain. Kapag hindi niya pa raw tinigilan ang Bisyo niya at mas lalong humina ang puso niya, she might die.
Agad akong tumawag kay tito nun, at napagdisisyunan din ng mga magulang niya na sumama muna sya sa States upang magpalakas. Maraming gagawing therapy sakanya para kahit papaano ay lumakas ulit yung puso niya.
About Frances, hanggang ngayon hindi parin siya nagpapakita at hindi parin siya narereach out nila Coco. Gustong-gusto kong magalit sakanya. Because of her mas lalong naghihirap si Jaydee. Sana nga wag na lang siyang magpakita ulit.
*End of flashback*
Gen. POV
Nasa airport na ngayon ang magkakaibigan para ihatid si Jaydee.
"Jaydong, mag-iingat ka dun ha at magpalakas kana uli para makabalik ka agad dito, huwag ka ng magpasaway masyado." Brei said at niyakap naman siya
"If kaya mong magpunta sa birthday ng inaanak mo magpunta ka ha. Mamimiss ka namin." Ella said at niyakap din ito.
"Syempre naman, I'll be there. First inaanak ko yun at ayokong mamissed ang first birthday niya." Sagot naman ni Jaydee kay Ella
"Bhie, mag-iingat ka ron ha. Itry mo na rin na kalimutan siya. Alam kong kakayanin mo yan, Jaydong. Mahal ka namin." Amy said at niyakap ito
"Oo nga pre. Marami namang mga chix dun sa US eh. Maghanap ka nalang, para sumaya kana ulit." Thea said at yumakap din sakanya
"Wala nakong masabi tol, nasabi na nila lahat eh Hahaha! Pero ayun nga tol, mag-iingat ka ron and get well soon please. Kalimutan mo na siya, hindi na babalik yun." Sambit naman ni Laney at yumakap sakanya.
"Alam naman namin na hindi madali yun, Jaydee. Pero sana kayanin mo, ayaw na naming makita ka ulit na ganyan pagbalik mo rito. Pati kami nasasaktan pag nakikita kang nahihirapan kaya sana maging okay ka na ulit, miss na namin yung Jaydee na masiyahin. Sana pagbalik mo rito kaya mo nang maging masaya ulit." Sambit ni Gabb at hindi na napigilang lumuha. Si Gabb kasi nakaencounter ng mga paghihirap at kalungkutan na naranasan niya dahil ang iba ay busy sa company nila.
"Maraming salamat sainyong lahat lalo na sayo ate Gabb. Maraming salamat dahil hindi mo ako pinabayaan sa tuwing gustong-gusto ko ng tapusin ang buhay ko. Salamat dahil lagi kang nandyan para paalalahanan ako na hindi ako nag-iisa. Sobrang salamat sa inyong lahat dahil never niyo akong pinabayaan. Mauna na ako, mamimiss ko kayong lahat. Ate Brei pakisabi nalang din kay Coco na mamimiss ko rin siya." Nagwave ito sa mga kaibigan at umalis na. Hindi nila kasama ngayon si Coco dahil bumisita ito sa mga magulang niya
---------------------------------------------------------
Gab's POV
Pagkagaling namin sa Airport ay sinundo na namin si Coco at naisipan naming magmall, para doon na lamang maghapunan.
"San niyo ba gustong kumain?" Tanong naman ni ate Brei saamin.
"Tara, Samgyup tayo namimiss na namin ni Babs na kumain dun kung okay lang naman sainyo." Thea said at tumango na lamang kami. Miss ko na rin naman mag Samgyup.
Papunta na kami sa Samgyupsal dito sa may Trinoma ng may nakita kaming pamilyar na tao.
"Frances!" Sabi naman ni Coco at dali dali siyang lumapit kay Frances na may kaholding hands at hindi namin siya kilala.
Grabe, napakabilis naman atang magmove on Frances? Si Jaydee hirap na hirap tapos ikaw may bago na agad? Pathetic.
Napalingon naman ito at biglang binitawan ang kamay ng kasama niya.
Sumunod nalang kami sa paglapit ni Coco.
"Napakabilis naman mahanap, t*ngina." Bulong ko sa Asawa ko at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"Akin, kalma lang." Sabi naman nito.
"Nawalan na 'ko ng gana. Sa Mansion nalang kami kakain ni Ella. Ipapasundo ko nalang kayo." Sabi ko naman
"Sama na kami ni Babs ate Gab, nawalan narin kami ng gana." Sambit naman ni Laney at lumapit saamin.
"Uuwi nalang din ako." Sabi ni Amanda at nakita ko namang umirap ito kay Frances.
"Brei, Coco at Frances mauna na kami sainyo, papabalikin nalang namin si Manong dito. " Sabi ng asawa ko at umalis na kami.
"Napakaliit nga naman talaga ng mundo at nakita pa natin ang taong walang inisip kundi ang sarili niya." Sabi naman ni Laney ng makasakay kami sa Van
"Grabe no? May bago na agad siya, samantalang si Jaydong hindi alam kung paano magmomove forward." Sarkastikong sabi naman ni Amy
"Hindi naman niya siguro tunay na minahal si Jaydee, kaya ganun nalang kadali sakanya yun." Dagdag pa ni Thea
"Guys, hayaan niyo na muna siya. Sure akong kakausapin ni Coco yun, at sasabihin niya lahat." Sabi naman ni Akin
"Para saan pa, Akin? Wala na oh, sirang-sira na sila at sinira niya na rin ang buhay ni Jaydee." Sambit ko nalang at lumingon sa window.
"Kalma lang akin, magiging okay din ang lahat." Sabi naman nito at yumakap saakin.
-to be continued-
Next will be Coco's POV, ano kaya ang mangyayari? Abangan!
Thank you for reading, vote vote vote!
Suggest nga kayo sa comment section ng pwedeng ipartner kay Amy HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
CHANCES (completed)
أدب الهواةIlang beses mo bang bibigyan ng pagkakataon ang taong mahal mo para mapatunayan niya ang totoong pagmamahal niya sayo?