Frances'POV
Next week na ang birthday ng inaanak ni Jaydee at next week na rin ang uwi niya.
Things are going great, nagiging okay na kami nila ate Gabb. They already forgiven me for what I have done, actually pinababalik na nila ako sa Mansion kahit wala pa raw si Jaydee.
*Flashback*
Kakagaling ko lang sa Pagadian City, I feel like I needed to apologize also to my parents that's why umuwi ako for one week. Pinatawad nila ako agad, dahil alam naman nilang nadala lang din ako ng galit ko kaya ko nagawa yun.
I'm now on my way to the mansion. Sinabihan ako ni Coco na magkakaroon sila ng small party mamaya dahil sa tagumpay ng new bussiness ng grupo. She invited me para raw kahit papaano ay bumalik na ang closeness naming lahat.
Gen. POV
Kakarating lang ni Frances sa labas ng mansion at agad niya namang tinawagan si Coco. Pinagbuksan naman kaagad siya ng pinto nito.
"Come in, ako bahala." Sabi naman ni Coco.
Nagulat lahat nang makita nila si Frances.
"Anong ginagawa niyan dito?" Walang ganang tanong ni Gab at nilapitan naman siya kaagad ni Ella.
"Gabbi hayaan muna natin si Frances dito." Sabi ni Ella at hinawakan ang kamay ng asawa
"Oo nga, I feel like kailangan niyong mag-usap ulit para naman tuluyan na kayong magkaayos lahat." Sabi naman ni Coco at nakita naman niyang umirap si Amanda.
"No more hard feelings, guys. Pinlano namin to ni Coco dahil alam naming kaya parin nating ibalik sa dati ang samahan natin." Sabi naman ni Ella.
"Hayaan niyong dumito muna siya habang wala pa si Jaydee. Frances, sige na umakyat kana sa kwarto niyo ni Jaydee. Pinalinis ko na yun kay manang." Sabi naman ni Ella at umakyat na si Frances kasama si Coco.
Napansin naman ni Ella na walang ganang pumunta ang asawa sa kwarto nila kaya sinundan niya ito.
Nilapitan niya si Gab na hawak-hawak ang cellphone at nag iiscroll lamang.
"Gabb, Akin, anong problema?" Sabi ni Ella sakanya at nagbackhug dito.
"Akin, bakit naman hindi ka manlang nagsabi saakin na patutuluyin mo si Frances dito?" Sagot naman nito at humarap sa asawa.
"Hindi ko sinabi dahil alam kong hindi kayo papayag. Ginawa namin 'to ni Coco dahil alam naming ito lang ang makakapagpaalis ng tinik sa puso niyong apat. Nakikita ko sa mga mata niyo na mahal niyo parin si Frances as a sister. Bumabawi na nga yung bata, Akin oh. Siya na yung gumagawa ng way para mabalik ang lahat sa dati, sana tanggapin niyo na siya ulit. Alam naman nating lahat na walang may gusto ng mga nangyari. Kaya sana patawarin niyo na rin si Frances." Sabi ni Ella at niyakap ang asawa.
"Sorry, Akin. Sorry kung mas pinapairal ko pa rin ang pride ko, masyado lang akong nasaktan sa nangyari kay Jaydee. Tama ang lahat ng sinabi mo, walang may gusto ng lahat ng nangyari. Napakalawak talaga ng pag-iisip mo, Akin. Kaya mahal kita eh!" Sabi ni Gabb at bigla namang namula si Ella kaya hinalikan niya ito at niyakap.
"Akin, ikaw na ang kumausap kila Amy at Laney. Ipaintindi mo nalang sakanila lahat. Si Coco na ang bahala kay Brei." Sabi naman ni Ella at tumango na lamang si Gabb.
*End of Flashback*
----------------------
Gen. POV
Nagtipon-tipon lahat ngayon sa sala dahil ivivideo call nila si Jaydee at kakamustahin.
"Frances, wag ka muna papakita ha. Isurprise natin si Jaydee sa pagbalik niya, alam kong magugulat yun." Brei said at nag call na kay Jaydee, agad naman nitong sinagot ang Video call.
*OTP*
"Jaydong, kamusta ka na diyan?" Brei said at kumaway kay Jaydee
"Oo nga, Jaydong. Marami ka ng chix diyan no?" Pabirong tanong naman ni Amanda sakanya
"Sira ka talaga, Amanda. Miss mo lang ako eh, wag ka mag-alala papasalubungan kita ng Jowa. Hahahaha!" Pabirong sagot ni Jaydee sakanya.
"How's your health na Jaydee?" Tanong naman ni Gab sakanya.
"Getting better, ate Gab. Nakailang sessions na rin ako ng therapy at ginagamot na rin yung damage sa liver ko. Hopefully soon maging okay na talaga lahat." Jaydee said.
"Bakit kumpleto ata kayo lahat ngayon? Wala kayong work?" Nagtatakang tanong naman niya
"Hindi kaya kami kumpleto, Dong. Nasa states pa yung isa naming kasama eh." Sabi naman ni Laney.
"Wala rin si Frances." Kunwaring malungkot na sambit ni Coco
"Nako! Hayaan niyo na yun, baka masaya na siya ulit." Sabi naman ni Jaydee na ikinalungkot naman ni Frances
"Ikaw ba pre? Kamusta love life mo diyan?" Tanong naman ni Thea sakanya
"Wala 'kong lovelife and I'm not yet healed, ayokong maging panakip butas ang taong mamahalin ko." Sabi naman ni Jaydee
"Pero bakit nga kayo kumpleto ngayon, ano meron?" Tanong niya pa ulit.
"Small celebration lang para sa pagiging successful ng new bussiness natin." Sabi ni Gabb
"Oo nga, Jaydee. Sobrang sikat ngayon dito sa Manila ang MNL hideout. Sobrang dami ng tao araw-araw." Masayang sambit naman ni Ella sakanya.
"Talaga ba ate? Congrats sainyo, ang gagaling niyo talagang magpatakbo ng negosyo." Sabi naman ni Jaydee
"Anong niyo ka diyan, kasama ka sa owner ng bussiness na 'to Jaydong. Kaya umuwi kana dahil nagbabalak na kaming magtayo ng maraming Branch sa bawat sulok ng NCR." Sabi naman ni Brei sakanya.
"Asus. Sabi na eh, miss niyo lang ako. Wag kayong mag-alala, next week naman na ang uwi ko." Sabi niya.
"Sige na, kailangan ko ng umalis. May therapy pa ako ngayong araw." Sabi ni Jaydee at nagwave na ng goodbye sakanila.
*End call*
"Jaydee's getting better, thank God." Gab said
"She's getting better but kita parin sa mga mata niya ang lungkot." Ella said
"Oo nga, I agree with you. Mukhang kailangan ng yakap at halik ni Queen eh." Pabirong sabi naman ni Amy at nagwink kay Queen.
"Kayo talaga, tara kain na nga tayo." Frances said at pumunta na sa dining area.
-to be continued-
Thank you all so much for reading my story. Make sure you vote guys!
BINABASA MO ANG
CHANCES (completed)
FanficIlang beses mo bang bibigyan ng pagkakataon ang taong mahal mo para mapatunayan niya ang totoong pagmamahal niya sayo?