Chapter 34

1.2K 105 17
                                    

*1 month later*

Jaydee's POV

Nandito kami ngayon ni Laney at Thea sa Ospital. Kami kami lang ang magkakasama kanina kaya sinamahan na nila ako rito.

Kakatapos lang manganak ni Queen at nandito ako ngayon binabantayan ang mag ina ko.

*Flashback*

"Babee!!! Ang sakit ng tyan ko, manganganak na ata akoo!!" Sigaw ni Queen sa taas kaya dali-dali akong umakyat, sumunod naman si Laney at inalalayan namin siya makababa at agad lumabas si Thea para ipagdrive kami. Supportive kapatids.

Agad kaming nakarating sa St. Lukes at dinala agad si Queen sa Operating room.

Hinayaan akong magstay ng doctor sa loob dahil natatakot daw si Queen. Buong oras kong hinawakan ang kamay niya.

"Ire mo lang hija! Nakikita na namin ang ulo ng bata." Sabi ng doctor

"Kaya mo yan mahal, nandito lang ako sa tabi mo." Sabi ko at hinalikan ang noo niya.

"Aaaaaahh!!!" Sigaww nito

"Konti pa Frances."  Sabi pa ulit ng doctor




Ilang segundo pa ang lumipas at nailabas niya na ang anak namin.

*End of Flashback*

Nang makita ko ang anak namin ay parang nawala lahat ng sakit na dinanas ko, parang nabura nalang ito bigla lahat.

"Jaycese Thirdy Pinlac Garcia."
Napakagwapo ng anak namin, parang boy version ko siya. Yung ilong lang ata ni Frances ang nakuha niya, buti nalang hindi yung akin. HAHAHAHA

Sa ngayon ay natutulog pa ang mag ina ko. Si Laney at Thea ay umuwi muna sa Mansion, thankful din ako na tinulungan nila akong dalhin si Queen dito.

Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na rin si Ate Gabb at Ate Ella.

"Congrats, Dong!! Welcome to the squad hahaha!" Yan ang bungad sakin ni ate Gabb, natawa nalang ako at niyakap siya.

"Congrats, bebe Dong!! Ganap na magulang kana." Sabi naman ni ate Ella at yumakap saakin

"Ang pogi ng anak mo, dong. Manang-mana sa kapogian ko!" Pabirong sabi ni ate Gab at nakatanggap naman siya ng hampas mula kay Ate Ella

"Hindi naman ikaw ang tatay niyan, paano mo magiging kamukha, aber?" Sabi naman ni ate Ella sakanya at umirap. Ang cute talaga nilang mag-asawa, promise.

"Joke lang Akin eh." Sabi nito at binack hug ang asawa niya, ano ako rito? Thirdwheel?

"Para siyang boy version ni Jaydee, nose lang ni Frances ang nakuha niya." Sabi naman ni Ate Ella

"Buti nga ilong ni Frances ang nakuha eh." Sabi ni Ate Gabb at natawa naman si Ate Ella.

"Ang sama mo ate!! Hindi naman masyadong pango ilong ko eh." Sabi ko at nagbalik ng tingin kay Frances.

Napakaganda parin niya, parang hindi nanganak eh.


Matapos ang ilang minuto ay nagising narin si Frances.

"Congrats Frances." Sabi naman ni ate Ella at nginitian siya. Pero si ate Gab ayun, nagcecellphone lang. Ramdam ko galit si Ate Gabb sakanya pero tumatahimik lang ito.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang gwapo ng anak natin, babe. You look like him." She said at tinitigan naman ang anak namin.

----------------------------------





After ng 3 days na pag-iistay sa Ospital, nakauwi na rin kami.

Ang hirap palang maging magulang lalo na pag kakapanganak palang. Takot na takot akong hawakan nung una eh, hindi naman kasi talaga ako marunong humawak ng baby.

So far, never ko pa naman nakitang kinausap niya ulit si Kielle. Narealize niya na ba? Sana oo.

Sakanilang dalawa lang ako nakafocus ngayon.

"Babe, nag cacrave ako sa Pizza." She said.

"Wait lang, oorderan nalang kita." I said at kinuha yung phone ko. Ganyan kaspoiled si Frances sakin, isang sabi niya lang ginagawa ko na.

"Thank you, babe. Thank you for being a good wife. Thank you for taking care of me lalo na nung nasa tyan ko pa 'tong si Thirdy." She said and nag open arms. Lumapit naman ako agad sakanya at yumakap.

"You're always welcome, my Queen. Yan naman ang pangako ko sayo eh, never kitang pababayaan." I said at hinalikan ang sentido niya.

Ganun lang ang naging pwesto namin habang nag-oorder ako. Nakayakap siya sakin.



After 30 mins, dumating na rinnang inorder kong pizza from yellow cab. 5 boxes para makakain din ang iba, si ate Ella at Coco nandito sa mansion, pero yung asawa nila nasa opisina namin. Lumaki na rin kasi lalo yung hideout bussiness namin, meron na kaming almost 20 branches ng MNL hideout around Luzon.  Dagdag mo pa ang 5 ateneo schools na kami rin ang owner. Grabe nakakatuwa, sabay sabay kaming naging successful lahat. Mahigit 10 million ang monthly income namin individually mula sa mga bussinesses na yan.

Mula nung nabuntis si Queen nagsabi ako sakanila na sa bahay nalang ako magtatrabaho, para mabantayan ko ito. Tsaka nalang ako babalik sa pag oopisina kapag nag 1 year old na ang first born namin.

Pinatulog muna ni Queen ang baby namin at pansamantalang pinabantayan sa yaya nito. Opo naghire kami ng yaya para mag-alaga sakanya pag may important kaming pupuntahan.

Nandito na kami sa baba at sabay-sabay na kumain. Dumating na rin pala si Ate Gabb mula sa work.

Napapansin ko lang ngayon, sobrang clingy at sweet sakin ni Queen. Sinusubuan niya pa ako ng pizza kaya napatingin sakin si Ate Gabb. Ngayon niya nalang ulit ginawa yun eh. Ano kayang meron? Bakit nag-iba ihip ng hangin?

Nang matapos akong kumain, lumabas muna ako saglit at sumunod naman si Ate Gabb.

"Okay na kayo?" Tanong niya, habang nakatingin parin kami kila Coco na ang sarap ng kain

"Okay naman kami ate. She doesn't know naman na alam ko eh." I said.

"Pero ngayon ko lang nakitang naging ganyan ulit si Frances sayo." She replied.

"Kaya nga, hindi ko rin alam kung anong meron eh." I said

"Baka narealize niya na?" Ate Gabb said.

"I don't know ate, basta pag nahuli ko pa ulit tsaka lang ako magsasalita." I said.

Natigil ang usapan namin ng makitang papunta rito si Frances.

"Babe, busog ka na ba?" She asked at tumango naman ako.

"Balik na 'ko dun." Sabi naman ni ate Gabb at umalis na.

"What did you two talked about? Mukhang malalim yun ah." She said at yumakap sakin, I missed this, yung ganto siya ka clingy.

"About business lang po." I said, sorry na Lord, ngayon lang po ako magsisinungaling ulit.

Inaya niya na 'kong umakyat ulit. Inaantok ako, paano ba naman kasi pinuyat kami ni Baby Thirdy kagabi.

"I'll sleep muna, Queen. Gisingin mo nalang ako pag nagising na ang anak natin." I said at yumakap nanaman siya uli pagkahiga ko, nakakapanibago.

"I'll sleep nga rin, babe. Inaantok na rin ako." Sabi niya at tumango nalang ako at yumakap ulit.

Natulog kaming magkayakap..

-to be continued-

ano sa tingin niyo? nagbago na ba talaga si Queen??

Thank you sa pagbabasa, wag niyo kalimutang ivote hehe thankyou!!

CHANCES (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon