Laney's POV.
Papunta na kaming bar ngayon kung saan nanggaling si Jaydee kagabi. Hindi na namin muna siya sinama dahil hanggang ngayon may hangover parin.
Nangmakarating kami ay kinausap namin ang manager ng bar, nung una ay ayaw pa nilang ipakita ang cctv footage dahil ayun ang bilin ng boss nila.
Kasama namin ang tito ni Ate Gabb na Chief of Police rito sa Manila at sinabi nito na maaaring ipasara nila ang bar kung hindi nila ipapakita ang Cctv.
Humingi kami ng copy ng Cctv footage at agad namin itong pinanuod habang nasa sasakyan.
"T*ngina! Tama nga ang hinala natin, malalagot ang may gawa nito, muntik pang pagsamantalahan si Jaydee, kung hindi lang nila napansin na may CCTV sa loob." Galit na sabi ni Ate Gabb.
"Ako na ang bahala diyan, Gabb. Sisiguraduhin kong maisasara ang bar na yan, bigyan niyo lang ako ng copy ng footage. Maiwanan ko na muna kayo at pupunta pa ako sa opisina" Sabi naman ng tito niya at nagpaalam ng umalis
"Salamat po sa tulong niyo." Sabi naman ni Ate Gabb at nagdrive na pabalik ng mansion
Gen. POV
Nang makabalik na sa bahay ay pinagtipon-tipon muna ang lahat para pag-usapan ang issue maliban lamang kay Frances na hindi parin umuuwi mula kagabi.
Kitang-kita parin sa mata ni Jaydee na kakagaling nanaman nito sa iyak.
"Coco, may balita ka ba kung nasaan si Frances?" Tanong ni Gabb sakanya.
"Wala." Walang ganang sagot ni Coco sakanya.
"Nang galing na kami kanina sa Bar kung saan nagpunta si Jaydee kagabi. Pilit naming kinuha ang Cctv footage, eto panuorin niyo." Sabi naman ni Gabb at pinplay sa TV ang footage.
"Si Madie." Sabi naman ni Jayde at naiyak na lang sa sobrang inis.
"Madie. Oo tama, yan ang binanggit na pangalan ni Frances kagabi." Kalmadong sabi naman ni Coco
"Sino si Madie, Jaydee?" Tanong naman ni Brei kay Jaydee
"She was my secret bestfriend back when we were still in highschool. And the last time we saw each other was before our Championship game nung huling laro ko sa Ateneo. She confessed to me that she likes me. Sinabi ko kay Frances yung at nameet na rin siya ni Frances nun. I thought the issue was done, akala ko wala nang feelings dahil after nun ay hindi na siya nagpakita ulit. But here she is, sinira niya na kami ni Frances. Knowing Madie, hindi siya nagpapatalo kaagad. Based sa sinabi ng secretary ko noon, yung Client ko raw mismo ang may-ari ng bar. I'm sure that Madie is the owner based sa footage na yan." Tuloy tuloy na sabi ni Jaydee at yumuko na lamang.
"Frances needs to know this." Sabi naman ni Amy.
"Coco, paano mo nakausap si Frances kagabi? Naiwan niya ang phone niya rito." Sabi naman ni Laney.
"Unknown number called me last night and when I answered it, it was Frances. She said that she's with her friend daw." Sabi naman ni Coco
Tinry niya ulit na tawagan ang number pero cannot be reached ito.
"Don't worry, my tito got this. We will make sure na makukulong si Madie."
Sabi naman ni Gabb"P-paano na matutuloy yung kasal namin? Kung ako nalang yung nandito, pati yung engagement ring iniwan niya." Sabi naman ni Jaydee at nagbreakdown nanaman siya, akmang kukuha nanaman siya ng alak ngunit napigilan ito ni Brei.
"Stop, Jaydee! Baka masobrahan ka at may mangyari sayong hindi maganda." Sabi naman ni Gabb at niyakap nalang siya
"May mangyari sayong hindi maganda? Bakit ano bang meron jay Jaydee?" Takang tanong naman ni Coco.
"I think this is the right time for you to know, Ella, Thea especially you Coco." Sabi naman ni Brei.
"Hindi namin pinangunahan si Jaydee kagabi at hindi namin sinabayan ang galit niyo ni Frances dahil baka hindi niya na kayanin. Mahina na ang puso ni Jaydee, she was diagnosed with Congenital heart disease when she was 1 year old. Naging critical ang condition niya nun and We were thankful dahil after ng ilang years ng surgery at heart transplant ay gumaling siya. Pero hindi ibig sabihin non ay malakas pa ang puso niya. Palagi kaming pinapaalalahanan ni tito na bantayan si Jaydee dahil mataas pa rin ang chance na magkaroon ng failure after nung surgery at transplant sakanya." Tuloy tuloy na sabi ni Brei at hindi niya na napigilang maluha.
"Hindi namin sinabi sainyo agad to dahil nangako kami kay Jaydee na hindi namin ipagsasabi sa iba. Ayaw niyang ipaalam sa iba 'to dahil ayaw niyang maisip niyo na mahina siya." Sabi naman ni Laney
"Jaydee, sorry sa attitude ko kagabi, nadala lang ako ng galit ko." Sabi ni Coco at lumapit na kay Jaydee.
-------------------
Frances'POV
Sobrang sakit parin ng nararamdaman ko, after all of these year ngayon niya pa naisipang mag cheat.
"Oh umiiyak ka nanaman, kalma lang bub." Kielle said at inabutan ako ng panyo
Kielle is my friend, nakilala ko lang siya sa school before. Siya ang nagcocomfort saakin everytime na nag-aaway kami ni Jaydee. She knows Jaydee but Jaydee doesn't know her.
"Thank you, Kielle." Maikli kong sagot.
"Wala ka bang balak na magpakita sa fiance mo or kahit kay Coco lang? I'm sure na nag-aalala sila sayo." Mahinahon niyang sabi.
"Can I stay here for a while? Habang nagheheal pa ako, hanggang sa makayanan ko ng makita ulit si Jaydee?" I said at tumango naman siya
"Sure, why not? I can be your taga cheer up sa panahong malungkot ka. I'm always here for you, bub!" She said at niyakap ako
--------------------
Jaydee's POV
Tatlong linggo ng walang paramdam si Frances saakin, kahit ang parents niya ay hindi siya mahagilap. Alam na nila ang nangyari, nakausap ko na silang lahat even Duke, his brother. Kakausapin sana nila si Frances ngunit wala silang idea kung nasaan ito. Nakareceived din daw sila ng call from unknown number at sinabi sakanilang she's safe pero after daw nun ay ibinaba agad ang call.
7 days from now ay kasal na dapat namin. Sila Amy at Laney muna ang pinagmanage ko ng company habang di pa ako okay.
Ang sakit lang, na hindi niya man lang ako pinakinggan at mas pinili niya paniwalaan yung lintek na picture na yun. Parang pinaramdam niya lang saakin na sa limang taon namin ay wala manlang siyang tiwala.
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Ella's POV
Nandito kami ngayon ni Gabb malapit sa pool area dahil pinapaarawan namin ang anak namin. Michaella Gabrielle Amat Skribikin ang pangalan niya kung hindi nito pa alam.
"Ang bilis no, malapit na palang mag one month si Elle" Sabi naman nitong asawa ko
"Oo nga eh, at mag oone month na ring ganyan si Jaydee." Sabi ko naman at itinuro si Jaydee na nakaupo roon sa salas, umiiyak nanaman
"Sobrang naaawa na ako sakanya, Akin. Masyado niyang pinagdudusahan ang kasalanan na di naman niya ginawa. Gusto kong magalit kay Frances eh, hindi niya man lang pinakinggan si Jaydee. Pasensyahan nalang pero pag mag nangyari masama kay Jaydee, wag na siyang magpapakita ulit sakin." Tuloy-tuloy naman na sabi ni Gabb. Wala na akong nasabi dahil hindi ko rin naman masisisi ang asawa ko, nag-aalala lang naman siya kay Jaydee kaya niya nasabi yun.
"Akin, lapitan mo na muna yung si Jaydee, mukhang kailangan niya ng magcocomfort sakanya." Sabi ko naman at pinuntahan na nito si Jaydee.
Nakita ko namang niyakap niya ito at kinausap.
-to be continued-
Thank you for reading! Please vote! 🥺
BINABASA MO ANG
CHANCES (completed)
Hayran KurguIlang beses mo bang bibigyan ng pagkakataon ang taong mahal mo para mapatunayan niya ang totoong pagmamahal niya sayo?