Ella's POV
It's already 5pm and kakatapos lang ng birthday party ng baby namin ni Gabbi. Nakita naman namin na sobrang nag enjoy siya kanina, grabe ang bilis ng panahon, parang kelan lang nasa labor room pa 'ko, ngayon 1 year old na ang baby namin.
After ng party ng bata, party naman ng mga adults haha. Nakasanayan na yata yun pag nasa Pilipinas ka.
Masaya 'ko na things are getting better na. Wala ng galit at sama ng loob sa isa't-isa, ito yung pinakanamiss ko eh.
Natigilan ako sa pag-iisip ng lumapit saakin ang asawa ko.
"Anong iniisip ng akin ko?" Sabi niya saakin at nag backhug pa.
"Wala lang, Akin. Naisip ko lang ang bilis ng panahon, 1 year old na agad ang baby natin." Sabi ko at hinawakan naman ang kamay niya na nasa bandang tummy ko.
"Oo nga eh, 1 year old na agad ang anak natin. Pwede ng sundan." Pabiro niya namang sambit kaya humarap ako sakanya.
"Akin, diba sabi ko tsaka na natin sundan kapag 2 or 3 yrs old na ang panganay natin." Sabi ko naman at niyakap siya.
"Guys!" Rinig ko namang sigaw ni Brei at lumapit kay Coco
"May announcement kaming dalawa ni Coco." Sabi naman niya ulit.
"Anong kalokohan nanaman yan ate Brei?" Pabirong tanong ni Amy sakanya.
"Seryoso to Amanda, sira ka talaga!" Sabi naman nito at umirap kay Amy
"Ay sorry na, sige tuloy niyo na." Sabi ni Amy at humarap na kay Cole. Nako nako ang nag-iisang single sa grupo, mukhang nakahanap na ng perfect match niya. Ang bilis nila maging close e, parang kahapon lang kakarating lang ni Cole rito.
"The big announcement guys is I'm pregnant." Nakangiting sambit naman ni Coco. Oh my goshh!!!! Finallyy!!
"Totoo ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gabbi sakanila. Tumango naman ito at ipinakita ang PT. Hala totoo nga.
"Oh my goshh!!! Congratulations, may bagong inaanak na kami ulitt!!" Sigaw ni Laney at lumapit sakanilang dalawa at yumakap
"Group hug!!!" Sigaw din ni Jaydee at nagtayuan na kaming lahat para yumakap.
"Grabe, Congrats sainyong dalawaa!! Finally, welcome to the squad, soon to be parents." Sabi ko naman sakanila at yumakap din
"Kinakabahan na nga ako ate Ella eh." Sabi naman saakin ni Coco
"Syempre, first time mo eh. Ganyan talaga." Sabi ko naman
"Lagot ka ate Brei. Paghandaan mo na ang init ng ulo ni Coco, ganyan pag buntis HAHAHA!" Pang-aasar naman netong asawa ko sakanila.
"Porket palaging may toyo si Ella non, kaya madalas sa sofa ka natutulog HAHAHAHA! Kawawang Gab" Asar naman ni Ate Brei pabalik sakanya. Pero totoo yun HAHAHA! Buti nga pinagtyagaan ako ni Gab eh. Minsan pag may gusto ako na hindi siya makahanap nagagalit na agad ako nun eh, hanggang sa labas ko nalang siya pinapatulog.
*Throwback*
Gab's POV
Kakatapos lang namin maghapunan. 6 months preggy na rin itong asawa ko kaya nagtatakaw na. Sobrang bilis ng panahon, ilang buwan nalang, lalabas na ang first baby namin.
"Akin, gusto ko ng turon!!!" Sigaw naman nito at lumapit ako sakanya agad. Oh my gosh, 9pm na, saan naman ako makakahanap ng turon? Dagdag mo pa na sa Village kamu nakatira.
"Akin, 9 pm na po oh, saan tayo hahanap ng turon?" Malambing ko namang sambit sakanya.
"Ewan ko sayo, basta maghanap ka." Sabi naman niya at umirap saakin.
"Pero, Akin--" Pinutol niya naman agad ang sinabi ko
"Wala ng pero pero, gusto ko nga ng turon!!!" Sigaw naman nito sakin. Gab, patience, wag mong patulan, buntis yan (yan nalang nasabi ko sa sarili ko)
"Sige po, hahanap muna ko." Sabi ko at tsaka kinuha ang Car keys ko.
"Ate Brei, pakitignan nalang si Ella, hahanap muna ako ng turon niya." Sabi ko. Napansin ko namang natawa si Ate Brei.
"Ingat ka, pagtyagaan mo nalang." Sabi naman nito..
Nakalabas na 'ko ng village at ilang lugar na rin yung pinuntahan ko. Wala parin akong nakikitang turon, lagot nanaman ako.
Hindi ko na namalayan yung oras 10:30 na pala, mahigit isang oras na rin akong naghahanap at hanggang ngayon wala parin akong nakita.
Naisipan ko ng umuwi. Sana naman hindi siya magalit.
Pagkapasok ko sa house ay agad akong lumapit sakanya, nanunuod siya ng TV sa sala.
"Asan na yung turon ko?" Sabi naman niya
"Akin, sorry. Wala talaga akong makita eh, anong oras na rin po kasi." Malambing ko namang sambit sakanya.
"Hay nako. Bahala ka dyan! Wag kang pupunta rito ah, ayoko ng katabi!" Sabi nito at umakyat na sa kwarto. Hay nako Gab. Mukhang sa sofa ka nanaman matutulog.
Nakita ko namang lumabas sa kwarto nila Coco si ate Brei.
"Kamusta pogi? Nakahanap ka ba ng turon ng asawa mo?" Tanong niya naman saakin at umiling ako
"Mukhang diyan ka nanaman matutulog ah. Hahaha!" Pang-aasar niya naman saakin
"Ano pa nga ba? Hays." Sabi ko naman at bumalik na sa panunuod sa Tv
*End of Flashback*
------------------------------------
Gen. POV
9pm na at lahat sila ay nagkakasiyahan, ang iba ay nagsiswimming na habang umiinom, ang iba naman ay nagvivideoke.
Naputol ang kasiyahan ng lahat ng makarinig sila ng sigaw mula sa labas ng Mansion
"Frances!!" Sigaw ni Kielle sa labas, mahahalata mo sakanyang nakainom siya.
"Frances!!!! Lumabas ka diyan!!! Mag-usap tayo!!!" Sigaw pa ulit ni Kielle.
Nauna namang lumabas si Gab kasama ang asawa niya.
"Anong ginagawa mo rito? Sino ka?" Kalmadong tanong naman ni Gab sakanya.
"Kielle?" Biglang sulpot naman ni Coco
"Sino yan? Bakit nanggugulo siya dito?" Tanong naman ni Gab kay Coleen
"Hindi kayo ang kailangan ko rito! You're not Frances!" Sigaw pa ulit ni Kielle, pinipigilan siya ng isang babaeng kasama niya ngunit ayaw nito magpapigil.
"Sino ka? Bakit mo hinahanap ang Fiance ko?" Biglang sulpot naman ni Jaydee na hawak ang kamay ni Frances.
"Kielle? What are you doing here?" Tanong ni Frances sakanya.
"Bub, kala ko ba bibigyan mo ako ng chance? Bakit hindi ka na nagpakita ulit saakin?!" Pasigaw na sabi naman ni Kielle
"Kielle tama na yan. Umuwi na tayo, lasing ka lang." Sabi naman ng kasama nitong babae.
"Bub, tara na, umuwi na tayo!" Sabi ni Kielle at akmang lalapit kay Frances. Pero bago pa ito makalapit ay nakatanggap na siya ng isang suntok mula kay Jaydee
-to be continued-
Maraming salamat sa suporta ninyo!! Make sure you vote guys, thank you!! <3
BINABASA MO ANG
CHANCES (completed)
FanfictionIlang beses mo bang bibigyan ng pagkakataon ang taong mahal mo para mapatunayan niya ang totoong pagmamahal niya sayo?