Frances'POVNext month manganganak na 'ko, finally. Boy ang anak namin based sa gender reveal na naganap nung nag 2 months ago. I don't know what's happening to me pero I keep on thinking about Kielle. I know mali tong ginagawa ko pero hindi ko alam kung bakit tinutuloy ko parin.
9 months ago, nagsimula kaming mag-usap ulit ni Kielle. Nung una hindi ko pa siya masyadong pinapansin, pero nung tumagal nakasanayan ko na siyang kausapin. She makes me happy. There are times na nagkikita at nag-uusap kami ng patago.
About Jaydee, she never failed to take care of me. Sobrang caring niya saming dalawa ng anak namin. Lahat ng gusto ko sinusunod niya. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pang mag cheat eh lahat naman nabibigay ni Jaydee. Hayst! Ewan ko rin kung bakit ako naging ganto bigla, I know that Jaydee don't deserve this. Pero wala naman siyang alam eh, hindi naman kami nahuhuli.
"Kain na, nagluto ako ng favorite food mo." Jaydee said. Told you, never niya kaming pinabayaan, lagi niya akong pinagluluto at pinagsisilbihan.
Lumabas na 'ko at bumaba, inaalalayan naman ako ni Jaydee. I told you guys, ganyan siya kacaring. Hindi ko na rin talaga alam eh kung bakit nagagawa ko pa yung ganung bagay eh perfect package naman na 'tong asawa ko.
Pinaghila niya ako ng upuan at nilagyan ng food ang plate ko, after naman nun ay naupo siya sa sofa. Hindi siya kakain?
"Bub---- este Babe, hindi ka pa kakain?" Shit, nadulas ako. Nakita ko namang walang expression ang face niya, hindi siguro niya narinig.
"Busog pa 'ko." Maikli niyang sagot at nanuod na ulit ng TV
Jaydee's POV
"Bub---- este Babe, hindi ka pa kakain?" She said. Nadulas pa nga, mukha ba 'kong si Kielle?
"Busog pa 'ko." Busog na busog sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakasanayan na eh, iiiyak ko lang 'to kapag madaling araw na.
Napasapo nalang ako sa ulo ko at nagbalik na sa panunuod.
Nang matapos siyang kumain ay tumayo na siya at tumabi saakin, niyakap niya ako. Wala na 'kong nagawa at yumakap nalang pabalik, ayokong makahalata siya.
Paano mo nagagawang yakapin ako, kung ikaw mismo sa sarili mo alam mong nagloloko ka? Fvck.
Ilang minuto rin kaming nagtagal ng ganun hanggang sa nagsabi siya na gusto niya ng magpahinga.
Inalalayan ko siya at hinatid sa kwarto.
Nang mapansin kong tulog na siya ay lumabas ako ulit at nagtungo sa pool area. Ito lang takbuhan ko kapag gusto kong mag isip-isip. Ang kalmado kasi tignan ng tubig eh.
"Dong, bakit hindi ka pa natutulog?" Si ate Brei pala, 11pm palang kaya siguro gising pa ito.
"Ah, wala lang ate, hindi pa ako inaantok." Sabi ko at tumango nalang siya.
"Alam mo dong, kahit sabihin mong wala lang, halata naman na may problema ka. Palagi kitang nakikitang tulala at naaabutan kitang nandito palagi. Kilala na kita, pag maraming gumugulo sa isip mo, nakasanayan mo nang mag tambay dito." Sabi niya at umupo naman sa tabi ko.
Oras na ba para sabihin ko yun sakanya? Asawa niya si Coco at kaclose ni Coco si Frances.
"Nandito lang si Ate Bwei bwei mo, handa akong makinig sayo. Matagal na tayong magkakasama at kilala na natin sa isa't-isa kaya hindi ka makakapagsinungaling saakin." She said. Siguro nga it's the right time para malaman niya rin, hindi naman niya siguro sasabihin kay Coco.
"Ate, she's cheating on me." I said and my tears starts to go out.
"Sino? Si Frances?" She asked at tumango naman ako.
"How? I mean hindi naman halatang kayang gawin ni Frances yun." She said.
"Ilang beses ko na siyang nahuling kacall si Kielle. Nag iiloveyouhan sa isa't-isa. And there's also a time na nakita namin sila ng harap-harapan. Nag mall sila nun, they look so happy as fuck. I was there, or should I say na We were there. I'm with ate Gabb and ate Ella that time, sila talaga yung unang nakakita sa dalawa. Masayang-masaya silang kumakain nun, they look like a couple who is inlove with each other. Wala ate eh, duwag at takot ako. Ayokong maistress siya dahil maselan ang pagbubuntis niya. Kaya heto ako ngayon, nagtitiis. Sobrang sakit eh, nasanay nalang ako na ganun yung set up. Ano bang laban ko ngayon? Dun na siya masaya eh, sino ako para pigilan pa yun. Seeing her happy, makes me happy. Even though wasak na wasak na talaga 'ko sa loob. Oras-oras kong iniisip, saan ba ako nagkulang? May gusto ba siyang hindi ko nabigay? May nagawa ba 'kong mali? Kasi ako sa pagkakaalam ko wala akong ginawang ikakasakit niya eh. Pero siya ayun, porket alam niyang hindi siya nahuhuli, tinutuloy niya." Tuloy-tuloy kong sabi kay ate Brei. Eto nanaman tayo, naalala ko nanaman lahat ng sakit. Ano bang nagawa ko?
"Alam kong sobrang hirap ng sitwasyon mo ngayon, pakatatag ka lang dong. Konti nalang manganganak na siya, mag-usap kayo ha. Hindi mo deserve lahat ng sakit eh. Napakabuti mong tao pero yan yung bumabalik sayo. Everything happens for a reason, Dong. Ano man ang mangyari tanggapin mo nalang. Nandito lang kami nila Gabb palagi para sayo. Hinding-hindi ka namin pababayaan." Sabi niya at niyakap ako. May soft side rin po talaga si Ate Brei kahit madalas puro siya kalokohan hahaha.
"Pahinga kana, Dong. Konting tiis nalang. Nakakainis kasi eh, ang selfish mo masyado. Gagawin mo ang lahat para hindi masaktan ang mga mahal mo, kahit sayo mapunta lahat ng sakit. Sana someday mabago mo yan, hindi yan healthy eh. Parang hindi mo mahal sarili mo." Sabi pa niya. Wala eh, pinanganak nalang ata ako para masaktan.
"Salamat sa pakikinig ate. Wag mo sanang ipaalam kay Coco 'to, ate. Sobrang close sila ni Frances at ayokong mag-iba ang tingin ni Coco sakanya." I said at pinunasan ang mga luha ko.
"Oh tignan mo, ang selfish mo talaga. Si Frances nanaman ang inuuna mo. Minsan gusto nalang kitang sapakin eh, napakatanga mo." Sabi niya at pabirong sinapak ang mukha ko. Hahaha, ayan nanaman po yung funny side ni Ate Brei
"Hahaha. Wala ate, ganto na talaga ako eh. Itulog nalang natin 'to." Sabi ko at tumayo na.
Bumalik ako sa kwarto, pero hindi parin ako makatulog.
Pinagmamasdan ko si Queen.
Paano mo nagagawa saakin to?
Hinalikan ko siya sa noo. Gumalaw naman siya at yumakap saakin.
Sino kaya ang nasa isip niyang kayakap niya? Si Kielle o Ako?
-to be continued-
Ako ang kasama, pero 'di ang mahal.
Sakit ba guys? Sorry na agad. Vote vote vote!! Thank you for making this story number 1 sa #Frandeesal.
Mahal ko kayong lahat! Salamat sa suporta :)
BINABASA MO ANG
CHANCES (completed)
FanfictionIlang beses mo bang bibigyan ng pagkakataon ang taong mahal mo para mapatunayan niya ang totoong pagmamahal niya sayo?