Chapter 38

1.3K 114 26
                                    

Jaydee's POV

Nagsimulang halikan ni Kielle si Frances. Nung una hindi pa ito nagrerespond pero nang makalipas ang ilang segundo nagrespond na rin ito.

Nagbagsakan ang mga luha ko, nanginginig ako ngayon, kaya nabitawan ko ang babasaging baso at bigla naman silang nahinto.

Tumakbo ako at dali-dali ko namang binuksan ang gate at sumakay sa kotse ko.

"Jaydee, saan ka pupunta? Gabi na." Alalang sabi naman ni Ate Gabb.

"A-ate, kayo na p-po muna b-bahala kay Thirdy." Nauutal kong sabi at isinara na ang pinto ng sasakyan.

"Babe, please let me explain!" Rinig ko namang sigaw ni Frances pero hindi ko siya pinansin at tuluyan na 'kong umalis. You don't need to explain, alam ko na ang lahat.

Nahihirapan akong makita ang daan dahil patuloy na umaagos ang mga luha ko, kayo na bahala saakin Lord. Ang alam ko lang is gusto kong mapag-isa..






Frances'POV

Kielle started kissing me, I don't know but I responded. I really don't know pero I love the feeling of kissing her.

We were kissing passionately then suddenly may narinig kaming bumagsak na glass. Tinignan ko kung saan galing ang tunog, and then there I saw Jaydee.

Fuck! What did I do! She immediately ran, hinabol ko siya pero pinigilan ako ni Kielle, nagpumiglas naman ako.

"Kielle, please leave!" I shouted at sinundan na si Jaydee. Nakasakay na siya sa Car niya at may sinabi siya kay Ate Gabb.

"Babe, please let me explain!" I shouted pero tuluyan parin itong umalis.

Gen. POV

"Ano nanamang ginawa niyong dalawa?!" Brei shouted kaya nagulat naman si Frances. Wala siyang idea na may alam sila.

Lumapit si Gabb kay Kielle at agad itong sinapak, dahilan para bumagsak si Kielle.

Pinigilan naman siya agad ni Brei.

"Gabb, stop." Sabi ni Brei at hinila si Gabb.

"Utang na loob, umalis kana, baka mapatay kita!!!" Sigaw naman ni Gabb kay Kielle. Tumayo na si Kielle at agad umalis. Nagulat naman ang iba sa nangyari tila gulong-gulo sila.

"Can someone tell me what's happening?!" Sigaw naman ni Coco.

"Why don't you ask your fucking bestfriend!" Sigaw ni Gabb at umalis na, sinalubong naman ito ng asawa niya para pakalmahin.

"I can't believe na kaya mo yang gawin, Frances. Akala namin nagbago kana. We gave you a second chance dahil nakita naming bumabawi ka, pero anong ginawa mo? Sinaktan mo nanaman si Jaydee! Pasensya na pero hindi kita kakampihan sa ginawa mo." Sabi naman ni Brei at umalis na rin, sumunod kaagad si Coco sakanya.

"Ano bang ginawa mo, Frances?" Nagtatakang tanong naman ni Amanda sakanya.

"Amanda, sorry." Sabi naman ni Frances sakanya.

"Siguro tama yung hinala ko, nagloko ka no?!" Sigaw naman ni Laney sakanya at napaiyak nalang si Frances.

Iniwan siya ng lahat doon.



Jaydee's POV.

Nandito ako sa Tagaytay, kung saan nakikita ko ang mga city lights, pampakalma lang.

Sobrang sakit eh, akala ko talaga nagbago na siya. I trusted her again and gave her a second chance, pero anong ginawa niya? Inulit niya parin, and worse is yung harap-harapan ko pang nakita.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang sakit eh. Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong mali, kung bakit humantong kami sa ganto.

Masaya kami dati eh, masayang-masaya, pero hindi ko alam kung bakit nagbago nalang bigla ang ikot ng mundo. Bigla nalang siyang nagloko.

Siguro kasalanan ko 'to, pero hindi ko talaga alam kung anong nagawa kong mali. Pilit kong sinisisi ang sarili ko.

Pagod na 'ko. Pagod na pagod na 'kong umintindi. Bakit kailangang nasakin lahat ng sakit? Alam ko sa sarili 'kong hindi ko deserve lahat ng sakit na 'to.

Ginawa ko ang lahat para pasayahin siya, pero bakit ganto ang ibinalik niya saakin? Masyado niya kong pinahihirapan.

I need some beer kahit ngayon lang. Pumunta ako sa nearest convenience store at bumili ng beer in can. 10 cans to be exact, bahala na kung anong oras ko maisipang umuwi.

Sumakay ako sa sasakyan ko at binuksan ng kaunti ang windows. Sinimulan 'kong inumin ang beer and the next thing I know, nakatulog na 'ko.







Nagising ako dahil natapat ang sikat ng araw sa mga mata ko.

7:45 am na, Ilang oras din ang byahe pabalik doon. Hindi naman ako totally nalasing or what, nakatulugan ko nalang ang pag-iyak, until now masakit pa rin ang ulo ko kakaiyak.




9:14 nakarating na ako sa Mansion. Pagkarating ko ay nakita kong pinapaarawan ni Ate Ella si Thirdy.

"Oh Dong, nandyan kana pala. Magang-maga ang mata mo, nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ni Ate Ella at tumango nalang ako kahit 4 hours lang talaga ang tulog ko.

"Nandun sila sa kusina, nag-aalmusal puntahan mo nalang. Ang asawa mo, tulog pa." Sabi niya pa ulit.

"Sige po ate." Sabi ko, hinalikan ko ang ulo ng anak ko atsaka pumasok.

Gulat naman sila ng makita ako, agad akong nilapitan ni ate Gabb at niyakap, niyakap ko rin naman ito pabalik.

"Where have you been, dong, pinag-alala mo kami kagabi." Sabi naman nito at bumitaw na sa yakap.

"Sorry kung hindi ako umuwi kagabi, I just needed to have a time for myself. Ang sakit sobra eh." I said at niyakap naman ako ni Amy at Laney, siguro alam na rin nilang dalawa.

"Alam mo dong, nakakatampo ka. Hindi ka manlang nagsabi saamin." Sabi naman ni Amy.

"Oo nga, akala ko ba sasabihan mo kami pag may problema ka?" Dagdag naman ni Laney.

"Sorry na agad kung hindi ko man sinabi sainyo. Ayoko lang na magbago ang tingin niyo sakanya. Tsaka kilala ko kayo eh, iba kayo magalit." Sabi ko at niyakap parin sila.

"Kahit anong sabihin mo ngayon, iba na ang tingin namin sakanya." Sabi naman ni Amy

"Kumain ka muna at magkape dong, hindi ka manlang kumain kagabi." Sabi naman ni Ate Brei at pinaupo ako. Oo nga no, hindi pala ako naghapunan, tanging alak lang ang naging laman ng tyan ko.

"Opo ate, salamat po." Sabi ko at nagsimula ng kumain.





Nang matapos ako ay nagpaalam muna ako sa kanila na aakyat ako at magpapalit ng damit.




Pumasok ako ng kwarto at nakita ko namang tulog pa siya. Pumunta ako sa closet at naghanap ng isusuot, at may bigla namang nagback hug saakin, alam kong siya to.

-to be continued-


Mga bbys, easyhan niyo lang, nababasa ko mga comments niyo HAHAHAHA. Salamat sa suporta, wag niyo kalimutang bumoto!!






CHANCES (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon