Chapter 1: New classmate

780 22 0
                                    

"Ishi, nakita mo na ba 'yung bagong lipat sa village natin?" Janine asked.

Kendra and Janine are my best friends, classmates and neighbors as well. We have also been friends for a long time.

"Not yet. I didn't notice that we have a new neighbor," I said boredly.

And I don't care.

"Hoy, Janine! Nandito ka na pala!" Biglang sulpot ni Kendra sa tabi namin ni Janine.

"Ay, wala. Wala pa ako," prankang sagot ni Janine dito at umirap.

"Okay. Whatever!"

"Anong meron sa bago nating kapitbahay?" tanong ko sa topic namin ni Janine kanina.

I don't really care but I'm so bored! Sometimes, what you want to do every day is boring.

"Oh my, God! Hindi mo pa alam, Hara?" tanong pabalik ni Kendra at parang gulat na gulat pa.

"Mag tatanong ba ako kung alam ko?" mataray na sabi ko at inirapan pa siya.

"Ang gwapo-gwapo niya!" kinikilig na sabi ni Janine.

Kapag si Janine talaga, pag gwapo pag-uusapan alam na agad kung ano-ano. I mean silang dalawa. Sa tatlong lalaki lang naman ako nagagwapuhan; kay daddy, kuya Ashi at Luke.

"Ackk! Yes. He is so handsome. I want to talk to him again but he is so snobbish and cold!" sabi ni Kendra na nakahawak pa sa dibdib na animo'y nasaktan ng sobra. Tumamlay pa ang mukha.

I fought the urge not to roll my eyes at her because of what I had heard.

"Diyan naman kayo magaling. Sa mga gwapo," malamig kong sinabi at binuklat ang hawak na libro.

Dapat dire-diretso na ang pagbabasa ko kung walang sumulpot na maingay.

See? Bored pala, Ishi?

I sighed softly.

"Hindi mo pa kasi nakikita, eh. Basta ang gwapo niya talaga," sambit muli ni Janine na hindi ko paniniwalaan. Huh, parang may pake naman ako sa mukha noong lalaking tinutukoy nila.

"Oo na, oo na! At ano nga pala ang gagawin niyo rito? Ibabalita lang 'yang tsismis na 'yan? sarkastiko kong sabi at handa na silang paalisin kung wala nang ibang dahilan.

Araw-araw ko na ngang nakikita dahil magkakakaklase kami, tapos dadayuhin pa ako?

"Hind, 'no. Gusto ko lang makasama ka," si Kendra na inirapan ko.

Makasama, eh, para namang ang layo ng mga bahay namin, ah? Ilang minuto nga lang ang lalakarin at makakarating na sa bahay nila, eh.

"Gusto kong mag-bonding tayo," si Janine na hindi ko rin pinaniwalaan.

Mas gusto nya lagi sa balcony ng kwarto nya at magpapahangin o kausap ang jowa kung meron pa.

"Really? Kaya pala. Miss niyo agad ako. Kahapon lang naman tayo huling nagkita. At Sabado ngayon, hindi ba may assignment tayo? Bakit hindi na lang kayo mag sagot? Kaysa naman makipag tsismisan kung kani-kanino? Sa totoo lang, nakakasawa na mga pagmumukha niyo," maldita kong wika sa kanila.

"Wow! Ang talino mo naman po, Miss! Paano niyo nahulaan 'yan? Ay, ikaw nga pala si Ishihara Mendez na matalino. Sa sobrang talino, naiinggit na ako," sarkastikong sabi ni Janine at umirap pa sa akin.

"Hindi ba halata? Manggagaya lang naman kami sayo, Hara. At hindi kaya nakakasawa ang mukha ko! Sa ganda kong 'to, duh? At miss mo lang din kasi ako..." nakangusong wika ni Kendra.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon