Chapter 37: America

213 17 0
                                    

"Okay, class. We'll continue this tomorrow, okay? Fix your things and go to the classroom!" anunsyo ni ma'am.

Tumingin ako kay Leo na bumuntong hininga.

"Grabe, buti na lang talaga ay hindi na umabot sa atin." Nag-de quatro sya ng upo at pinaypayan ang sarili. "Ayoko pa naman mapagod ngayong araw..." maarte nyang sabi na ikinatawa ko.

"So pwede kang mapagod bukas, Leo?" tanong ko.

He rolled his eyes. "Pwede tayong mapagod pareho bukas, Ishi... Sa activity, huh. Hindi sa ibang bagay..."

"I know... Pero hindi ko gets ang sinabi mo, anong sa ibang bagay?"

Kinurot nya ang pisngi ko. "You're innocent... Don't mind it!"

Napapikit ako sa sakit na naramdaman sa pisngi dahil sobra nyang pinisil. Grabe naman ang isang 'to!

"Okay..." sagot ko na lang at tumuwid ng tayo tutal ay tapos na rin ako sa pag-aayos ng gamit ko.

"Sabay tayo, sis!" Tumango na lang ako at hinayaan sya.

"Ang ganda-ganda mo talaga, Ishi!" masaya nyang sabi at hinawakan ang buhok ko.

"Thank, Leo," nahihiya kong sabi.

"It's Lea not Leo, Ishi!" parang nandidiri nyang sabi.

"Oh, sorry. Lea..." Kagat-labi kong sabi.

He chuckled. "Ang saya mo pala talagang kausap. Sana ay matagal na kitang ginawang kaibigan..." Napangiti ako sa sinabi nya.

"Pwede mo pa rin naman akong maging kaibigan," natutuwa kong sabi.

"Oh my-- Thank you!" Nabigla ako sa bigla nyang pagyakap sa akin.

"W-welcome..." utal kong sabi nang humiwalay sya.

"Pasok na tayo." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Dumiretso na ako sa upuan ko.

Gulat pa rin ako sa biglang pagyakap nya sa akin. Hindi lang kasi ako sanay na may yumayakap sa aking iba kaya ganito ang reaksiyon ko.

Hanggang mag-uwian na ay lutang ang isip ko sa nangyari kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Bukod sa pagyakap nya sa akin ay ang pakikipag kaibigan nya rin.

Hindi ako sanay na may kumausap sa akin at diretsuhang sabihin na gusto nya akong maging kaibigan. Dahil sina Janine at Kendra lang talaga ang malapit sa akin na kaibigan ko talaga.

Ang iba kasi ay natatakot daw sa akin dahil mukha raw akong mataray kaya hindi na gustong makipag kaibigan. Ang iba naman ay galit sa akin.

"Hoy!" Napatalon ako sa gulat.

"Ano ba?" galit kong tanong at nakahawak sa dibdib.

"Kanina ka pa namin tinatawag."

"Huh? Oh, s-sorry..."

"Bye, Ishi. Bukas ulit, huh?" Napatingin kami kay Leo na nagsalita.

Tumango ako. "Oo," sagot ko na lang.

Lumapit sya sa akin at niyakap na naman ako! Aatakihin ako sa bigla-bigla nyang pagyakap sa akin!

"Bye, sis!" Nanlaki ang mata ko sa bigla naman nyang paghalik sa pisngi ko.

Tumalikod na sya at naglakad palabas ng room kasabay ang iba ko pang mga kaklase habang ako naman ay tulala at gulat pa rin.

"Ano 'yon, Hara? Kailan pa kayo naging close ni Leo?" Kunot noong tanong ni Kendra.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon