Chapter 34: Video

233 18 0
                                    

"Nakakakilig si Vein, Hara!" Humawak pa si Kendra sa mag kabilang pisngi nya at tumingala animoy nag-iimagine.

Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko. May video nga kami. May nag video sa amin sa mall kaya marami lalo ang nakakita.

Simula pagpasok ay pinagtitinginan na kami kaya ako nagtataka tapos pinakita sa akin ni Kendra ang video.

Nag sigawan ang mga kaklase ko kanina at inasar kami ni motor kaya lalo akong nahiya.

Umalis nga muna ako sa tabi ni motor at umupo sa tabi ni Janine at Kendra tapos ito naman ang pag-uusapan nila.

"Alam ko... p-pero nakakahiya rin kaya, ang daming taong nanonood at nakikinig..."

Tumawa sya. "Ano ka ba? Pero sabagay, normal lang din ang mahiya... Kung ako ang nasa sitwasyon mo... mahihiya rin ako..."

"Asa ka naman, Kendra," pambabara ni Janine.

Natawa ako ng mahina. "Epal ka, Janine. Ikaw ba? Sino 'yung jowa mo?"

Nagtataka akong nag-angat ng tingin at humarap kay Janine. "May jowa ka na?"

Kumunot ang noo nya at natawa. "Wala, ha. Kung ano-ano pinagsasabi mo, Kendra." Inirapan nya si Kendra.

"Weh? Wala talaga?"

Tumango sya. "Wala nga. Kung magkaka meron ako, kayo agad una kong sasabihan." Ngumisi sya.

"Dapat lang!" sabi ni Kendra.

"Pero... may nagugustuhan ka na?" tanong ko ulit.

Tumango ulit sya. "Meron."

"Talaga? Sino, Janine?" Napapikit ako sa lakas ng boses ni Kendra.

Halos napatingin ang mga kaklase namin kung nasaan kami. Wala pa si sir dahil maaga yata kaming tatlong pumasok para lang yata mag chismisan.

"Basta..."

"Sabihin mo na. Promise, secret lang natin 'to."

"Basta nga." Natawa sya.

"Malalaman din naman namin kung sino 'yan." Ngumisi ako.

Mukhang ayaw nya talagang sabihin kaya hindi na namin pipilitin tanungin. Parang kilala ko naman kung sino kaso hindi pa ako sigurado.

Bumalik na ako sa aking upuan dahil ako na naman ang pinag-uusapan nung dalawa. Nahihiya lalo ako sa mga pinagsasabi nila.

Habang wala pa si sir ay inaasar-asar ako ni motor.

"Tumigil ka nga, Vein!" naiinis kong sabi.

He chuckled. "I want to tease you. I've always wanted to see the blush on your face." Pinisil nya ang pisngi ko kaya agad ko namang tinabig ang kamay nya.

I rolled my eyes.

"Lalo akong nahuhulog kapag sinusungitan mo ako," he whispered.

Lalong nahuhulog, huh? Dapat nga ay mainis sya sa akin kapag sinusungitan ko sya.

Hindi ako umimik at nanatiling tahimik.

Inaamin kong kinikilig ako sa mga sinasabi nya pero hindi ko ipakikita. Baka lalo nya pa akong asarin.

"Baby..."

"Hmm?" I respond. Nagsusulat kami ngayon at si sir ay nasa unahan lang.

Napatingin ako sa kaliwa kong kamay na hinawakan nya.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon