Chapter 52: Let go

233 19 0
                                    

"Hindi mo boyfriend iyung Mark?" tanong nya.

Umawang ang labi ko. Umiling ako at medyo natawa.

"Hindi, ah. Hindi naman ako gusto no'n," sabi ko.

Mukhang ito yata 'yung gusto nyang itanong kanina.

"Gusto mo sya?"

Natawa ako lalo.

"Hindi rin."

Napatigil ako sa pagtawa dahil sobrang seryoso nya. Agad akong umirap para hindi mapahiya.

Nakakatawa naman talaga tanong nya. Hindi pumapasok sa utak ko na maging boyfriend si Mark. Kaibigan lang naman turing ko roon.

"Mahal mo?"

Napairap ako. Mahal? Talaga?

Kung sya ikaw, baka mahalin ko pa. Napailing ako sa naisip. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko.

"Hindi rin..."

"Bakit ka namumula?"

Iritado ko syang tinignan.

"Ang dami mong tanong, doc."

Tumaas ang sulok ng labi nya. Muling bumaba ang tingin nya sa labi ko.

Umangat ang kamay nya at inalis ang buhok kong nakaharang sa mukha.

My heart beat fast. Hindi natanggal ang tinginan namin.

"I want to kiss you..." napapaos nyang sabi.

Hinaplos nya ang labi ko. I swallowed hard at dahan-dahan tumango.

"Kiss me, doc..."

He claimed my lips. Pumikit ako at dinama ang halik nya. Humigpit ang hawak ko sa kumot.

May iba akong naramdaman sa katawan na hindi ko naramdaman nang si Harry ang kahalikan ko.

Hindi ko mapigilan ang mapaungol dahil sa masarap nyang paghalik sa akin.

Tumigil sya at namumungay din ang mga matang nakatingin sa akin. Nakaawang pa ang labi ko.

Pareho kaming naghahabol ng hininga. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko.

Hindi ko maiitanggi na masarap syang humalik. May kung ano sa halik nya na nagpaparamdam sa akin ng kung ano sa katawan. And the way he kissed me was not same way he kissed me before.

Rinig ko ang mahina nyang mura.

"I'm sorry. Sige na, magpahinga ka na."

Hindi na ako umangal at dahan-dahan nahiga. Nakaalalay din sya sa akin.

"Lalabas ka na?" tanong ko.

Lahat ng inis ko sa kanya noong mga nakaraang araw ay biglang nawala nang halikan nya ako. Dahil lang sa paghalik nya, madaling nawala ang inis...

"Pag dumating ang mga ka---" bago matapos ay may kumatok.

Ngumuso ako at tinignan sya sa pagbubukas ng pinto.

Si Kendra at Mark na kasama si mommy at kuya.

Malaki ang ngisi ni Kendra. Nagkatinginan si kuya at Vein.

"How are you feeling?" si mommy.

"Maayos na po ako, mommy..." sagot ko at nanatili ang mata kina kuya.

Nag-uusap sila. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"Sigurado ka? Walang may masakit sayo?"

"Medyo may sumasakit po sa katawan ko kanina pero ayos na po ako ngayon," pagsasabi ko ng totoo.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon