Chapter 5: Tease

343 19 0
                                    

Kauuwi ko lang galing sa school. Nakita ko si kuya sa sala at nanonood.

"Hi, kuya." Tumakbo ako palapit sa kaniya at agad siyang niyakap. I missed him! Ilang araw din kasi siyang wala, eh.

Mas lalo tuloy boring sa bahay.

Walang eksprasyon ang kanyang mukha kaya nagtaka ako. Hindi ako sanay na hindi nya ako niyayakap pabalik, hindi nginingitian, hindi hinahalikan sa noo at tatanungin kung ayos lang ba ang naging araw ko, at kung kamusta ang mga ginagawa ko...

"May problema ba, kuya?" I asked.

"Hindi ko pa malalaman ang nangyari sayo kung hindi nadulas sa pagsasalita si Kendra kanina. Hanggang kailan mo balak itago sa amin ang nangyari sayo?" pasigaw nyang tanong.

I almost jumped in panic because of what he showed. Hindi ko mapigilan na pangilidan ng luha. Kahit hindi nya sabihin kung anong pangayayari iyon. Nakuha ko na agad dahil sa ipinakita niya ngayon.

"A-ayaw ko lang naman po kayong mag-alala... tapos busy pa kayo, ayaw kong makaistorbo..."

I know this isn’t reason enough to hide it but... 

"Sa tingin mo ba hindi kami mag-aalala sayo kahit hindi mo sinabi? Kahit walang mangyaring masama sayo, lagi-lagi kaming nag-aalala para sayo, Ishihara! At hindi kami busy kung kailangan mo kami! Kapatid kita kaya ikaw ang uunahin ko! Ang protektahan ka ang pinaka-priority ko, princess. And it's not a simple problem... ayokong nagsosolo ka ng mga problema mo. I'm here. I wouldn’t be angry if I was what you needed..."

"I'm sorry, kuya..." Humikbi ako.

"Hush, sa susunod magsabi ka sa akin, sa amin. Para alam namin na may nagyayari na pala sa iyo at huwag mong solohin... " He hugged me.

Tumango-tango ako.

"I'm sorry po, kuya... Hindi na po mauulit. I love you po, kuya..."

"I love you more, Princess..." He kissed my forehead. "Umakyat ka na at magpahinga. Padadala ko na lang sa kwarto mo ang pagkain mo. And I'm going to the barangay to see the man who almost raped you!"

Kumalabog ang dibdib ko sa kaba.

"K-kuya, huwag na... ayos naman na po... hayaan niyo na lang..."

"Anong hayaan? Sinaktan ka niya! Kakausapin ko lang naman. Sisiguraduhin kong makukulong siya nang matagal!"

I bit my lip. How can I say this? Kuya didn't know Luke. Baka magtaka pa siya.

"K-kuya, sabi naman nang... kapitan na ipakukulong na..."

"I want to talk to him. Just go to your room and rest."

Napalunok ako bago pilit na tumango. Wala na akong magagawa.

"Opo..." I kissed his cheek.

Umakyat na ako at nagpahinga. Hindi ko pa ring maiwasang isipin iyon. Luke will take care of it. I know Luke is still a minor... but maybe he has a connection and he's rich... he can do something even if it's impossible.

Nang matapos akong kumain ay naglinis na ako ng katawan para matulog.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Binuksan na naman siguro ni manang Tess ang kurtina dahil hindi nya ako magising.

I sighed before doing my morning routine. Bumaba na ako at nakitang kumakain na si kuya.

I kissed his cheek. "Good morning, kuya." Umupo ako sa upuan na nasa harap nya.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon