Pinapanood ko si Kuya Ashi at Vein na seryosong nag-uusap. Paminsan-minsan ay bumabaling sila sa akin. Hindi ko naman marinig ang pinag-uusapan nila dahil sobrang hina ng boses nila. Parang ayaw iparinig sa akin.
Sumandal ako sa backrest ng sofa at tinuon at tingin sa nasa harap na tv. Edi sana ay hindi na sila nag-usap sa malapit sa akin para hindi ako masyadong makuryoso kasi pabaling-baling pa sa akin! Iniisip kong baka ako ang pinag-uusapan nila!
Pero ang seryoso naman masyado kung ano nga... Kinunot ko ang noo. Unti-unting umiinit ang ulo ko.
O baka naman ay tungkol na naman sa anonymous na patuloy pa rin sa pananakot sa akin. Isang linggo lang yata syang tumigil at muli na namang nagsesend ng kung ano-ano para takutin ako. Naiinis na rin ako kahit may takot na nararamdaman.
Bakit ba kasi pinapatagal nya pa at ayaw akong harapin? Mag-iisang taon na rin. Ang laki naman ng galit nya sa akin. Ang pinakakatakot ko ay noong may muntikan nang bumangga sa aking kotse, naglalakad-lakad kami ni Vein noon. Nang makauwi ay may nag text sa aking cellphone na na kay Vein.
Natutuwa raw syang makita ang takot sa mukha ko. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Vein habang binabasa nya 'yon. Ang kotse ay walang plate number. Noong pinahanap nina kuya ay nalamang nahulog sa bangin o sadyang hinulog. Alam kong hindi lang iyon ang kaya nyang gawin. Baka mas malala pa.
Nilingon ko sina kuya. Nagtama ang tingin namin ni Vein. He smiled a little.
"I love you," he mouthed.
I felt my cheeks flushed. Pairap kong inalis ang tingin sa kanya. I licked my lips. Kahit na naiinis ako sa kanya minsan ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin sa simple nyang mga salita kapag nanlalambing.
"Let's go upstairs. Pahinga ka na," sabi ni Vein at tumabi sa akin.
Umuwi na si kuya at kaming dalawa na naman ang nandito.
"Mamaya na." Nilingon ko sya at nagbabanta ang tingin kasi baka hindi sya pumayag at pilitin akong sa taas magpahinga.
He nodded. "Okay."
Kahit medyo nagulat ay tumango rin ako. Akala ko ay pipilitin nya ako, eh.
Pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya. Agad naman syang umayos ng upo para maiiayos ang pagpatong ng ulo ko sa balikat nya.
"You know I love you, right?" bigla kong tanong.
"Of course. And I love you too." Napangiti ako sa sinabi nya. My sweet annoying asshole.
"My life became happier when I met you. Even though I was annoyed with you when we first met. I still remember how annoyed I was when I saw you at our house before. Nag-iinit lagi ang ulo ko kapag nakikita kita kasi parang... lagi kang umeepal at gusto mong masusunod ka lagi." I chuckled. He remaind silent.
"I don't know why my heart suddenly beats when you do something to me... Wala akong kaalam-alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sayo at hindi lang inis. Hindi ko pa mapangalan or pilit ko lang tinatanggi sa sarili ko na nahulog ako sayo noon. Pero nahirapan ako nang aminin ko sa sarili kong may gusto ako sayo... Pilit ko mang umahon sa nararamdaman pero lubog na... Lubog na lubog na. Lalo ako akong nahuhulog sayo kapag may ginagawa ka para sa akin kahit alam kong wala lang iyon para sayo. Tinanggap ko ang nararamdaman ko sayo pero ang hirap dahil... may iba kang gusto. May girlfriend ka."
"Natatandaan mo rin ba noong nagsimba tayong tatlo nina kuya? Nagdasal pa akong sana hindi ka namin kasama ni kuya pero dahil may pupuntahan din si kuya kapag natapos magsimba kaya sinama ka namin. Noong napagkamalan tayong mag girlfriend at boyfriend nung manong na nagtitinda ng street food. Tapos tinanong mo pa si manong na ang ganda ng girlfriend mo. Medyo kinilig ako roon at... nasaktan. We know we don't have a relationship."
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
Roman d'amourIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...