"Sorry na kasi, Ishi..." Napairap na lang ako at napailing.
"Si tita lang naman ang ayaw ipasabi sayo, eh. Pansinin mo na kami."
Bumuntong hininga ako bago tumango.
Nandito sila ngayon sa kwarto ko para mangulit na naman. Hindi ko kasi pinapansin ng ilang araw. Sabado ngayon at ang aga nilang pumunta rito.
"Hindi ka na ba galit?" si Kendra.
Tumango ulit ako kaya napangiti sila.
"Sorry din. Dahil alam kong may kasalanan din ako." Bumuntong hininga ako.
Lumapit sila sa akin at bigla akong niyakap. Ngumiti na lang ako.
"Ano ka ba, Hara? Ang mahalaga ay bati na tayong tatlo, okay?"
Tumango-tango na lang ako.
"Kumain na kayo?" tanong ko.
Sabay naman silang umiling.
"Tara sa baba. Sabay-sabay na tayong kumain!"
Tumalon kami pababa sa kama at nagpaunahan makababa sa hapag kainan.
Tumatawa kami habang hinihingal dahil sa ginawa.
Umupo na kami para kumain. Wala na sina dad at siguro ay tulog pa si kuya.
"Sa Thursday and Friday na pala ang exam. Sa Lunes ay puro mga reviewer na naman ang susulatin." si Kendra.
Sumang-ayon naman agad kami.
"Ano kayang magandang gawin ngayon? Ayoko sa bahay, ang boring!"
Tumawa ako. "Mag-review ka na ngayon," suhestiyon ko.
Sinamaan nya ako ng tingin.
"Sabado kaya ngayon! Huwag muna puro school ang atupagin, Hara! Iba naman, 'no." Inirapan nya ako.
Nag kibit-balikat na lang ako.
"Volleyball. Hindi naman masyadong mainit," si Janine.
"Oo nga! Turuan mo kami, Janine!"
Natawa kami ni Janine bago sya sumang-ayon.
Binilisan namin ang kumain para magpalit ng susuotin kaya umuwi rin 'yung dalawa. Kukuhanin din ni Janine ang bola nya.
Inipitan ko nang maayos ang buhok ko para hindi madaling magulo.
Jogging pants at jersey noong Intrams ang isinuot ko.
Bumaba na ako dala ang maliit na bag na may lamang towel at tubig.
Sa labas na ako nag hintay sa kanila. Naunang dumating si Kendra bago si Janine.
Malapit lang sa gate ng village ang court kaya ilang minuto lang ang lalakarin namin.
Bigla akong kinabahan nang makarating kami sa court. Parang gusto ko biglang umatras. May iba rin kasing mga naglalaro at ang iba ay nanonood lang.
"B-bukas na lang kaya tayo maglaro?" kinakabahan kong sabi sa kanila.
Dahil sa sinabi ko ay napatigil sila.
"Huh? Bakit naman? Nandito na tayo, oh."
"May mga tao. Nakakahiya kasi kapag may nanonood na iba. Gusto ko ay tayo-tayo lang..." dahilan ko.
Totoo naman. Nahihiya akong may manood na iba sa amin. Hindi pa rin ako sanay pag maraming tao.
"Ayos nga 'yon, eh. Hayaan mo na. Pwede rin natin sila isali para marami tayo," si Janine.
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomanceIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...