Chapter 23: Gift

265 16 0
                                    

Nang matapos kami ni Kuya Ashi sa pag-aasaran ay dumiretso ako sa kusina.

Napalingon ako nang nakasunod si Luke. Oh-oh.

Parang tinambol ang puso ko sa kaba. Lumapit siya sa akin at inabot ang isang pa-box na binalutan nang birthday wrapper.

"Hey... happy birthday, Ishihara..." Malapad ang ngiti niya. Labas na labas ang mapuputing ngipin at ang mga mata'y halos hindi ko na makita pa.

I smiled back at him. "Thank you, Luke!" sabi ko at niyakap siya na agad kong pinagsisihan nang makita ang agad na pagtalikod ni motor palabas ng kusina.

Napawi ang ngiti ko.

"Sige, aakyat muna ako sa kwarto ko. Pumunta ka muna kina kuya." Ngumiti ako para hindi mahalata ang kaba.

Dali-dali ko syang iniwan. Hindi naman talaga ako aakyat. Sinundan ko lang si motor na pumunta sa likod ng bahay namin.

Nakita kong nakaupo sya at nakatingin sa kawalan.

Tumabi ako sa kanya. "Nag seselos ka na naman?" nag-aalinlangan kong tanong.

Pinagmamasdan ko lang sya. Hindi sya lumilingon sa akin.

He just shrugged.

I rolled my eyes. Bakit ba ayaw nyang magsalita? Ako na nga ang naglalambing sa kanya, eh.

"Sige, d'yan ka na. Pupuntahan ko lang si Luke. Iniwan ko pa sya, wala naman pala akong makakausap dito..." pag-iinarte ko at tumayo.

Napairit ako ng hilahin nya ako at pinaupo sa kandungan nya.

Napangisi ako ng palihim. Hindi mo na ba ako matiis, motor?

"Bakit ba? Pupuntahan ko na nga si Luke eh," ginawa kong iritado ang boses ko para lalo syang mapaniwala. Nakaupo ako sa kandungan nya, ang dalawang hita ko ay nasa gilid ng kanyang hita.

Nakapulupot ang dalawa kong braso sa batok nya. Ang isang braso nya ay nakapulupot sa aking bewang ang isa ay nakapatong sa kandungan ko.

He cursed softly. "Damn, sorry na. Alam mo namang mabilis akong magselos tapos sasabihin mo pa sa akin harap-harapan na pupunta ka sa kanya," he said those words bitterly.

Hindi ko mapigilan tumawa. "Niloloko lang naman kita. Ikaw kasi, hindi namamansin. Kapag lagi mo 'yang ginawa. Kay Luke lagi ako pupunta," pananakot ko sa kanya.

And I was just kidding him! I would never go to other boys just because we're not on good terms.

He whispered something. He hugged me tighter. His jaw tightened again and again.

"Hey..." Hinawakan ko ang panga nya paakyat sa pisngi hanggang sa labi. His adam's apple moved because of what I did.

I kissed his lips. Ilang segundo lang iyon at hiniwalay ko na.

"Hmm..." Tumama ang tungki ng ilong niya sa leeg ko kaya nagtaasan ang balahibo ko.

"Tumigil ka nga, motor," utos ko nang inaamoy-amoy niya ako. Nakikiliti ako sa ginagawa niya!

"Baby," tawag niya.

"Hmm?"

May kinuha sya sa bulsa nya kaya tumayo ako.

A necklace.

"I waited for this earlier at the mall so it took me a while. Happy birthday, baby..."

Hindi ko mapigilan ngumiti.

"Thank you!" Kinuha ko ang ibinigay niya sa akin. Napangiti ako lalo sa nakita.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon