Chapter 12: Sick

280 19 0
                                    

I woke up with a headache. I tried to sit up but I was dizzy. I wrapped a blanket around my body because it was so cold. Anong oras na ba?

Natulog ako ulit dahil sa antok. Nagising na ako sa katok sa aking kuwarto.

"Ishihara, papasok ka pa! Gising na!"

Rinig kong sigaw ni Ate Michelle.

Hindi ako gumalaw sa sakit ng katawan. Bakit ba ako nag kasakit? Napahampas ako sa aking ng noo ng mahina. Naalala ko na nag-swimming pala ako tapos nabasa ng ulan.

Hindi ako makasigaw pabalik kay Ate Michelle, parang hinang-hina ako.

Nanatili akong nakahiga at pumikit na lang muli. Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi ko kita kung sino ang pumasok.

"A-ate Michelle, hindi muna yata ako m-makakapasok ngayon..." medyo nanghihina kong sabi habang nakapikit pa rin.

Halos hindi ko na rin marinig ang sariling boses.

"Why?"

Nabigla ako sa boses ni Vein kaya napaupo ako. Hawak ko ang ulo ko sa sakit. Napapikit ako sa hilo.

Anong ginagawa niya rito?

Hindi ko siya matingnan at nanlalabo ang tingin ko kapag minumulat ko ang mga mata.

"Hey, what's wrong?" he asked.

Hindi ako sumagot.

"Is it a-about w-what I did yesterday? A-are you mad at me?"

What the hell?! Tungkol doon pa ang naisip niya?! Hindi ko na nga naisip 'yon at ngayon ipinaalala pa niya!

Mabilis akong umiling. Humiga ulit ako at nagbalot ng kumot.

"Damn, baby. What's wrong? Tell me, please..."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil halata ang takot sa boses niya.

Lumubog ang kama kaya alam kong umupo siya. Inaalis niya ang kumot sa kamay ko.

"Fuck! Ang init mo!"

Binaba ko ang kumot hanggang sa dibdib ko at tumingin sa kanya nang nakakunot noo.

Lumapit lalo siya sa akin. Hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa kaya gulat akong tumingin sa kanya.

"Shit! May lagnat ka. Bakit hindi mo agad sinabi?" iritado nyang tanong.

Bakit parang kasalanan ko pa? Hindi ako sumagot at inirapan siya.

"L-lumabas ka nga, matutulog pa ako. Ayokong pumasok kaya u-umalis ka na. Pumasok ka na, male-late ka pa." Pagtataboy ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at lumabas na lang. Napabuntong hininga ako, buti naman sumunod siya.

Natulog nga ulit ako. May nararamdaman akong basa sa aking katawan kaya napamulat ako.

"You're awake. Nagising ba kita?" Si Vein na pinupunasan ako ng basang bimpo.

"H-hindi naman."

"I will take your food and medicine. I'll go down," he said.

I sat down at the edge of my bed. Ilang minuto lang ang inantay ko at nakabalik na si Vein na may dalang tray.

"Lean against the headboard of your bed. You might even feel dizzy. I will feed you."

Sinunod ko ang sinabi niya.

"Ako na lang ang kakain mag-isa. Kaya ko naman..."

"No. Ako na," matigas nyang sabi.

Wala na akong magawa kaya siya na ang nagsubo ng pagkain sa akin.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon