It's been a few months since it happened. Hindi pa rin mawala ang sakit sa puso ko habang inaalala iyon.
Patuloy ang pag-iyak ko habang nakatingin kay Kendra. Katabi ko si Vein at Kuya Ashi nasa harap namin ang dalawang nurse. Si Luke ay kasama ang mga pulis. Nasa chopper kami para mapabils ang pagdating sa ospital.
"H-h-ha—ra," nahihirapang tawag sa akin ni Kendra.
Kita ko ang maliit na ngiti sa labi nya. May luha rin ang sulok ng mata nya. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa kamay nya.
"K-kendra, please, malapit na tayo s-sa o-ospital. K-kaonting tiis na lang. M-makakapag hintay ka pa naman, 'di ba?"
Tumango sya.
"A-ayos lang ako. Ang m-m-mahalaga ay maayos din kayo ng i-inaanak ko."
Lumaki ang ngiti nya habang dahan-dahan ang pag-angat ng kamay nya para mahawakan ang tiyan ko. Hinaplos nya ang tiyan ko habang nakatingin sa akin.
"P-palagi mo syang pasayahin, H-hara. P-pasabi kay Janine na ganoon din ang gawin nya sa kambal. H-huwag n-nyong ipagkakait ang k-kasiyahan ng mga a-anak nyo... M-m-mahalin nyo sila nang lubos." Lalong nagtuluan ang mga luha ko.
"O-oo naman, Kendra. Kaya kumapit ka lang, okay? M-malapit na tayo. H-hihintayin mo pang lumabas si Shia. G-gusto mo pa syang makarga at mahalikan, eh..."
She nodded and smiled.
"H-huwag mo nang sasaktan si Hara, Vein. P-pasayahin mo sila palagi. P-palagi akong magiging saksi sa inyo. Kuya A-ashi, ingatan mo si Hara katulad ng pag-iingat mo sa k-kanya noon. Pati ang mga magiging anak nila ni Vein. A-alagaan mo ang magiging pamilya mo... Pa—pasabi kay Janine na piliin nyang maging masaya at a-alisin na nya ang galit sa puso nya... Pasabi kay L-leo na ingatan nya ang cafe at makakahanap din sya ng taong magmamahal sa kanya... P- pasabi kay Mark na salamat d-dahil naging mabuti rin syang kaibigan sa akin. K-kapag g-gusto kumain sa cafe ng mga inaanak ko roon ay libre lang... Pasabi kay K-kuya B-bryce na salamat dahil hindi nya pinabayaan si Janine at ang kambal. Salamat dahil binigyan niya ng lakas si Janine noong mga panahong gusto nang sumuko ni Janine. Pasabing salamat dahil hindi sya napagod kina Janine. M-mahal ko k-kayo. Mahal na mahal... H-h-hinding-hindi ako nagsisising nakilala ko kayo. Pasabi kina mommy at daddy na salamat sa pag-aalaga nila sa akin hanggang sa natupad ko ang mga pangarap ko. S-salamat sa paggabay nila sa akin simula nang ipinanganak ako. Mahal na mahal ko sila... P-palagi ko kayong pagmamasdan kahit nasaan man kayo. M-mag-iingat kayo palagi..."
Lumakas ang iyak ko nang unti-unting pumikit ang mga mata nya.
"Kendra!" sigaw ko. Niyakap ko ang wala nang buhay nyang katawan.
"K-kendra, gumising ka! M-malapit na tayo! Kendra, naman. H-huwag kang magbiro ng ganito. Malapit na tayo sa ospital. Aabot ka pa! Wake up! Open your eyes, Kendra! Stop joking around! A-akala ko ba maghihintay ka pa? Aabot ka pa hanggang sa manganak ako!" Niyugyog ko ang katawan nya.
"Baby, stop, please. Hindi pa nagagamot ang sugat mo sa balikat baka kung ano pa ang mangyaring masama sa baby natin."
Hindi ko ininda ang sakit sa balikat ko kanina. Niyakap ko si Vein at umiyak. Nang makababa ang chopper sa rooftop ng ospital ay nakasunod na kami ni Vein sa pagbaba. Napahawak ako sa braso ni Vein nang magdilim ang paningin ko. Ang huli kong naramdaman ay ang pagsambot ni Vein sa akin at narinig ko ang sigaw nya.
Nagising ako sa puro puting kwarto. Sa amoy pa lang ay alam ko nang nasa ospital ako.
"Baby..." Malabo pa sa paningin ko ang mukha ni Vein.
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomanceIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...