Napatingin ako sa dalawa na tumawa nang malakas. Nakahawak pa sila sa kanilang tiyan habang tumatawa at naghahampasan pa.
"Huwag mo kasing isipin, Ishi. Kapag hindi ka nakapag-review nang maayos, hindi kami makakagaya sayo. Wala ka pang maisagot sa exam natin."
Sinamaan ko ng tingin si Janine dahil sa sinabi niya.
"Iyon talaga ang iniisip nyo? Nakakainis kayo. Umuwi na nga kayo! Doon na kayo sa inyo mag-review. Nag-iinit ulo ko sa inyo!" Inis kong sabi.
"Sus. Gusto mo lang masolo si Vein," pang-aasar ni Kendra.
Binato ko nga ng hawak kong ballpen.
"Gago! Labas na!"
Natatawa silang inayos ang gamit.
"Pikon!" Janine stuck out her tongue to annoy me even more before closing the door. Inis na inis akong humiga sa kama.
Nakakapikon talaga. Nakakainis sila!
Sinamaan ko ng tingin ang kisame sa sobrang inis. Habang nakatingin nang masama sa kisame ay pinanggigigilan ko ang unan na hawak ko.
"Galit na galit ang baby ko, ah." Nabato ko ng unan si motor sa gulat.
"Bakit ka ba bigla-biglang nagsasalita?!" sigaw ko at umayos ng upo.
"Busy ka sa katitingin sa kisame, eh." He chuckled
Ano bang meron ngayon at ang hilig nilang mamikon?
"Huwag ka ngang tumawa. Nakakainis ka!"
"Bakit umuwi na sina Janine? Akala ko ba mamaya pa?" tanong nya at tumabi sa akin.
"Tanungin mo sila." I rolled my eyes.
"Ano bang nangyari, baby? Why are you mad at me?" malambing nyang tanong.
Nakatingin lang ako sa nakapatay na tv at hindi sya nililingon.
"Tanungin mo sarili mo," sabi ko. Tumayo na ako at nag diretso na sa pinto para bumaba. Hindi ko sya nilingon nang isarado ko ang pinto.
Nagpunta ako sa sala at doon na lang nanood.
"Mag-review ka na ulit, baby. Uuwi na lang din ako para walang makaistorbo sayo," biglang sulpot na naman ni motor.
"Nawalan na ako ng gana mag-review," tamad kong sabi habang ang mga mata ay nasa tv pa rin.
Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. "Edi manood na lang tayong dalawa," natutuwa nyang sabi at umakbay pa sa akin.
Hinayaan ko na lang sya at nakakapagod ding mainis.
Madilim na nang matapos kaming manuod at dumating din si kuya.
"Bakit nanonood lang kayo?" Tumingin sa akin si kuya at pinanliitan ako ng mata. "Nagre-review dapat kayo, ah." Ibinagsak nya ang sarili sa isang sofa.
Pagod na pagod si kuya dahil ilang minuto lang ay narinig ko na ang hilik nya. Hindi pa dumiretso sa kwarto nya para doon matulog.
"Kumain na tayo," sabi ko kay motor na nanonood pa rin.
He nodded.
Nakasunod lang sya sa akin. Umupo na ako at nag sandok.
While we were eating, I thought of if I can ask him about his family.
"Why are you looking at me? I know I'm handsome kaya nga mahal na mahal mo ako, eh."
Nagsalubong agad ang kilay ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomantikIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...