"Huwag d'yan, Kendra!" sigaw ko at tumawa.
Nandito kasi kami sa Baguio. May rest house sila rito at nag punta kami. Ilang buwan na rin kami rito. Iniwan nya muna kay Leo ang cafe para masamahan ako.
Hawak nya kasi ang ibang underwear at kahit alam nya kung saan ang lagayan ay minamali nya kaya natatawa ako.
Hinagis nya ang sarili sa kama nang matapos ilagay ang underwears. Kahit na malamig ay ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko.
"Kapagod," reklamo nya.
Tumawa ako at tumabi sa kanya.
"Ikaw kasi." Natawa kami.
Humarap sya sa akin at niyakap ako.
"Sobrang lamig talaga," bulong nya at siniksik ang sarili sa akin.
Para talagang bata.
"Hindi ka pa ba sanay?" Tumawa ako.
Napailing sya. Sa sobrang tagal namin sa gano'ng posisyon ay nakatulog sya. Inalis ko ang pagkakapatong ng ulo nya sa braso ko at pinatong sa unan.
Inunat-unat ko ang kamay ko dahil nangalay.
Bumaba na ako para maghanda ng tanghalian namin.
Nang matapos ay tinakluban ko muna at hihintayin na lang magising si Kendra bago kumain.
Umakyat ako at pumasok sa sariling kwarto. Paminsan-minsan naman ay sa iisang kwarto kami natutulog ni Kendra.
May tatlong buwan pa kami rito. Six months lang ang leave ko sa trabaho. Sya naman ay kay Leo pinaintindi ang cafe o kaya umuuwi sya sa huling linggo ng buwan para tumulong na rin. Ayos lang naman sa akin ang mag-isa rito.
Hindi ako nabo-bored dahil para sa akin ay ito talaga ang gusto ko. Malamig. tahimik, lagi lang katuwaan ang ginagawa namin ni Kendra, malaya na gawin ang gusto.
Tatlong buwan na rin simula ng huli kong kita kay Vein. Gaya ng sabi ko, hindi ko na pipilit pa. Hahayaan ko na syang maging masaya sa babaeng mahal nya. Ayoko nang may masaktan pang iba dahil sa ginagawa ko.
Lumayo na ako para kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Kalahating taon naman ay ayos na para magawa ko 'yon.
After an hour, Kendra already woke up. Nagsimula na kaming kumain.
"Next month na pala," I murmured.
Kumunot ang noo nya at hindi ako naintindihan.
"Birth month mo na next month. Uuwi ka ba?"
Napaisip sya.
"Ah, hindi. Dito na ako para kasama kita." Ngumuso ako. Ayaw nya talaga akong iwan kahit para sa birthday naman nya 'yon. Alam kong magsasara sila ng cafe para i-celebrate ang birthday nya.
"Lagi mo na lang akong binabantayan..."
Ngumisi sya.
"Gusto ko lang."
"Umuwi ka na sa birthday mo," pamimilit ko kahit matagal pa naman 'yon.
"Ayaw mo ba akong kasama, Hara?" nagtatampo nyang tanong.
I chuckled.
"Medyo," pagbibiro ko.
Umirap sya.
"Dito pa rin ako. Sila na lang ang pupunta rito tutal sila naman ang makikikain." Tumawa lalo ako.
"Uuwi ka."
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomanceIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...