Chapter 22: Birthday

247 15 0
                                    

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang hawakan niya ang mukha ko at pinalis ang luhang hindi ko namamalayan na tumulo na pala sa dami kong iniisip.

His hand gently wipes my tears. His jaw tightened. Agad akong nag-iwas ng tingin nang tumingin siya sa akin. Umayos ako ng upo at tinuyo na ang basa kong pisngi dahil sa luha. Hindi niya pa pala pinapaandar ang kotse dahil nandito pa rin kami sa parking lot.

"Why are you crying?" he asked but I didn't answer him.

He lifted my head to look at him. "You tell me," matigas nyang sinabi.

Kahit na kinakabahan ay sinagot ko na siya, "K-kasi hindi mo ako pinapansin simula nang pumasok ako sa room..." I played with my fingers.

I saw the amusement in his eyes. He licked his lips.

"I'm sorry," he said huskily.

"A-are you mad?" nag-aalinlangan kong tanong.

"Yes," matigas na sabi niya.

"Kasi nakita mo 'yung ginawa ni... L-luke kanina? 'Yung paglapat ng daliri niya sa gilid ng labi ko at paghawak niya sa pulsuhan ko?"

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin sa nilalaro kong mga daliri.

"Yes..."

"A-ano... i-inalis ko rin naman ang pagkakahawak niya sa akin at nabigla lang ako sa ginawa niya. W-wala lang naman 'yon..."

"That's nothing or not. I'm still mad, not at you but at him. I'm jealous. Madali akong magselos kasi gusto kong ako lang. Ako lang at walang kahati."

Gusto kong ako lang din, Vein.

Tumango ako. "I'm sorry..."

"Shh..." He pulled me close to him and then hugged me. His hand stroking my hair and his other hand wrapped around my waist.

Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Don't cry again. I can't look at you while you cry, it breaks my heart," he whispered to my ear.

"Tell me your problems so we can fix it, okay?" he added. I nodded in response.

It's been a month since that happened. I avoid Luke but I don't know if he notices it and just lets it.

Nag-uusap pa rin naman kami pero hindi ko pinapatagal at nagdadahilan para hindi humaba ang usapan namin. Wala namang sinabi si motor sa akin na umiwas pero ayoko syang magalit kaya ako na lang ang gumagawa ng paraan.

Maaga akong bumangon ngayon. Nag-ayos ako ng sarili ko at bumaba na.

I am very energetic today because today is my day.

Nakita ko sina mommy at daddy na kumakain.

"Good morning, mom and dad!" masigla kong bati sa kanila and I kissed them on the cheek.

"Good morning, Ishihara," bati pabalik ni mom habang nagputuloy sa pagkain si daddy.

I don't know why, but since we came home from the province, daddy has been cold towards me. Wala akong maalala na ginawa kong hindi maganda. Inisip ko na lang na busy sila sa kompanya kaya ganoon. Kahit cold siya sa akin hindi nagbabago pagiging sweet ko sa kanya.

Napawi ang ngiti ko. Hindi ba nila naaalala na birthday ko ngayon? Hindi ba nila alam na ang date ngayon ay November 21?

Tuwing birthday ko naman ay kahit natutulog pa ako, babatiin na nila ako. Gigisingin para mag-ayos ng sarili.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon