Marami na ang nangyari sa loob ng anim na taon. Pero hindi pa rin makalimutan ni mommy si lola. Gano'n din ako. Pero wala na kaming magagawa.
Hindi ko man sya nasilayan bago mawala. Hindi ko nayakap ng mahigpit at mahalikan sa pisngi. Si mommy ay umuuwi bago mag November para pumunta sa sementeryo at dalawin si lola.
Si kuya ay pumupunta rito kapag december para mag pasko at bagong taon. Uuwi ng January.
Last January ay kasama nyang umuwi sa Pilipinas si Janine. Halos mahigit isang taon na sya roon.
Hindi sya pumapayag na mag-usap kami sa video call. Pero ayos lang naman sa akin. Kahit ang tagal namin syang hindi nakita.
Balak na sana naming umuwi. Nakapag plano na sina daddy. Maayos naman si daddy.
Hindi na pinabalik si Janine dahil uuwi na rin kami pero makalipas ang ilang linggo ay inatake sa puso si daddy.
Hindi ko alam ang gagawin nang makita syang napahiga sa sahig at hawak ang dibdib na sumasakit.
"H-hara, tara na..." umiiyak na sabi ni Kendra.
Doon ako natauhan. Sumakay ako sa kotse habang si daddy ay nakapikit at namimilipit sa sakit. Si mommy ay nasa shot gun. Si Mark ang nagmamaneho ng kotse.
Isinakay agad sya sa stretcher at dinala sa E.R.
Habang nangangatal ang kamay ay tinawagan ko si kuya.
"A-ang aga mong tumawag..." paos nyang sabi. Mukhang nagising ko dahil sa pagtawag.
"K-kuya... S-si daddy..." nahihirapan kong sabi at humikbi.
May narinig akong ingay sa kabilang linya.
"What happened?" bakas ang kaba sa boses nya.
"I-inatake sya, kuya."
I felt someone held my left hand.
"M-mark," nanghihina kong sabi.
"Shh." He pulled me and hugged me.
Habang yakap nya at patuloy sa pag-iyak ay narinig ko ang boses ni kuya.
"Nasa hospital na ba kayo?"
"Opo. Nasa E.R. si dad. K-kinakabahn ako, kuya," pagsasabi ko ng totoo.
Muling nagtuluan ang luha ko sa naisip. Hindi naman siguro mangyayari 'yon. Ang ayos ayos ni daw nung mga nakaraang araw.
Palagi syang umiinom ng gamot. Lagi lang sa kwarto at nagpapahinga. Hindi namin pinapagod.
"Magiging ayos din si dad. Huwag ka nang umiyak," pagpapalakas nya sa loob ko.
Tumango ako at sumang-ayon.
Nang mababa ang tawag ay niyakap ako lalo ng mahigpit ni Mark.
"Your father will be okay." He smiled to assured me and wiped my tears.
"T-thank you..."
Naupo muna kami. Si mommy ay umiiyak kaya inaalo ni Kendra.
Patuloy ang pag-alo sa akin ni Mark pero hindi ko mapigilang umiyak. Sobra sobra ang kaba ko.
Ilang minuto ang lumipas nang lumabas ang doctor sa E.R.
Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa nakitang ekspresyon sa doctor.
"H-how is he? His okay now, right?" nahihirapan kong tanong.
"Time of death, 03:29 PM. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomanceIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...