Kanina pa ako gising at kanina pa rin ang pagtunog ng cellphone ko dahil sa alarm.
Hindi ako bumangon at nanatiling nakahiga at nakapikit ang mga mata. Hindi ko maimulat nang maayos ang mata ko dahil sa sobrang hapdi sa pag-iyak kahapon.
Hanggang sa makatulog ay umiiyak ako at hindi umalis sa tabi ko si kuya. Rinig ko ang tunog ng pinto dahil sa pagbukas pero hindi akong nag-abalang tignan kung sino ang pumasok.
"You're awake. Here's your breakfast. Eat and go to shower. Papasok ka ba o hindi muna? Ako na magsasabi sa sir mo kung hindi..."
Sumandal ako sa headboard ng kama. Hindi ako sumagot. Nanatili ang tingin sa kanya.
Ngumuso sya nang mapansin ang titig ko sa kanya. Umupo sya kaharap ko. Hinawakan ang kamay ko at pinisil-pisil.
"You have to eat. Kagabi ay tinulugan mo ako, hindi ka kumain. Noong tanghali ay kaonti lang ang kinain mo. Sasakit ang tyan mo nyan kapag hindi ka kumakain. Magakaksakit ka..."
"Wala akong gana."
"Hmm? Kumain ka na, Ishi."
Ilang minuto pa akong kinulit ni kuya at napapayag din. Sinubuan nya pa ako para lang kumain ako.
Hindi ko mapagilan matawa sa ginagawa nya. Ginagawa nya lang naman eroplano ang kutsara na may pagkain bago isubo sa akin.
Nagpasya na rin akong pumasok. Si kuya ang nag hatid sa akin at alam kong sinabihan nya na rin si Vein na huwag akong sunduin sa bahay.
Akala ko ay late na ako pero mas nauna pa rin ako kay sir.
Simula Monday ay umiiwas ako kay Vein. Kapag lumalapit sya ay mabilis akong lalayo para umiwas.
Pumupunta sya sa bahay pero lagi akong wala roon. Pumupunta ako kina Janine o kaya kina Kendra.
Hindi ko sya kinakausap at alam kong naguguluhan na rin sya. Hindi ko na sya kayang kausapin. Hindi pa ako handa.
Hindi ko sinasagot ang mga tawag at hindi nagrereply sa mga text nya. Lumipat ako sa ibang upuan, malayo sa kanya.
Hindi ko rin muna gusto pang malaman ang iba pa. Nagpo-focus muna ako para sa exam. Isa rin 'yon sa mga dahilan ko. Dahil alam kong kapag may nalaman pa ako, mababalewala lahat ng pagre-review ko.
And when my heart break into pieces, I already know what should I do. What should I do first. Maybe tita is right, I and Vein are still young.
We should just focus at our study. We can't do both- study while in a relationship. We really can't.
"Ishi... Tara na..."
Napatigil ako sa iniisip at bumalik sa ulirat. Agad akong tumango kay Janine at sumunod palabas sa kotse.
Sa kanya na ako sumasabay dahil maagang umaalis si kuya. Alam kong busy sya lalo na't next month ay graduate na.
I brushed my hair using my fingers. Maaga akong naligo kanina kaya tuyo na ang buhok ko.
"Good luck to us!"
Ngumiti lang ako kay Kendra. Hiwa-hiwalay na ang mga upuan. Lalong nalayo ang upuan ko kay Vein.
Naabutan ko syang nakatingin sa akin pero agad akong nag-iwas ng tingin at pumunta na sa upuan ko.
Dalawang subjects at nag recess at dalawang subjects bago mag-lunch. Nang matapos ang lunch ay apat na subjects at uwian na. Kay Janine ulit ako sumabay.
"Manang, huwag nyo pong papapasukin si Vein..." sabi ko kay Manang Tess nang makasalubong ko.
Agad syang tumango kaya nagpaalam na ako. Alam nya na rin ang lahat dahil narinig nya kaya alam kong maiintindihan nya rin.
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
Roman d'amourIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...