I still can't believe that Luke and Kuya Bryce are brothers. Magka mukhang-magka mukha naman talaga sila pero parang palagi akong nagugulat kapag nakikitang mag kasama sila.
I thought Luke was the only child and he had no siblings. Isang linggo na ang lumipas nang malaman ko na mag kapatid silang dalawa. Totoo ngang kauuwi lang sa Pilipinas ni Kuya Bryce.
"Mag kapatid po talaga kayo?" hindi ko makapaniwalang tanong. Nandito kami sa coffee shop na katapat ng school namin. Pumunta muna kami rito para mag kwentuhan.
"Oo nga, Hara. Pa ulit-ulit ka," singit ni Kendra kaya inirapan ko siya. Epal!
"Isn't it really obvious?" Natatawang tanong ni Kuya Bryce.
Umiling ako. "Magkamukha nga po kayong dalawa. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may kapatid si Luke," sagot ko.
Tumawa silang dalawa sa akin habang si Kendra naman ay napailing-iling na lang. Si Vein ay katabi ko at hindi nakikisali sa usapan.
"Nasaan nga pala si Janine, Kendra?" I asked her.
She shrugged. "Hindi ko nga alam, eh. Lagi na lang syang wala."
Nagkibit balikat na lang din ako.
"Who's Janine?" tanong ni Kuya Bryce.
"She is our friend," sagot ko. "Ikaw ba, Luke. Didn't you see Janine?" tanong ko naman kay Luke.
"I haven't seen her yet..." Nag patuloy siya sa pagkain ng in-order nyang isang slice ng cake.
Ilang minuto ay natapos din kami sa pag-uusap-usap dahil medyo madilim na. Kay Vein kami sumabay ni Kendra dahil may sasakyang dala ang mag kapatid.
"Kuya Bryce!" sigaw ko sa pangalan niya. Sinalubong ko siya ng yakap. "Nandito ka na naman, huh?" Kahit hindi pa sobrang tagal simula nang mag kakilala kami, malapit na agad kami sa isa't-isa. Masayang kausap si Kuya Bryce.
Masaya ako dahil hindi lang si Kuya Ashi ang tinatawag kong Kuya at ka-close kong mas matanda sa akin. Halos pareho lang silang dalawang sweet sa akin. Masayang kasama, lagi kang mapapatawa, matakaw din. Ang sarap lang sa pakiramdam.
"Don't be ma-issue, baby girl. I will just invite you and your friends to eat."
Ngumisi ako sa kanya.
"Hindi ka po sure." Tinawanan ko siya dahil hindi na maipinta ang mukha niya sa sinabi ko. "Nasa classroom pa ang dalawa, nag lilinis pa po."
"Why aren't they cleaning with you? You run away, huh?"
Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. "Kuya, hindi ako natakas kapag cleaners ako." I rolled my eyes.
"Nice joke, baby girl."
"Kuya Bryce naman, eh." Hinampas-hampas ko siya habang tinatawanan niya ako. Mapang-asar din talaga, eh.
Ito ang pagkaka iba nila ni Luke. Si Luke ay seryoso pero si Kuya Bryce ay mapag-asar at palatawa. He's jolly like Kendra. Madaling pakisamahan.
"Tara na nga po," sabi ko at nauna ng naglakad pabalik sa room namin.
Umakbay sa akin si Kuya habang naglalakad kami. Ganito siya minsan kapag nakakasabay ko sa paglalakad.
Hanggang sa leeg niya lang ako.
"Ang sipag ng mga kaibigan mo, oh." Turo niya sa dalawa na nag wawalis.
"Gan'yan din naman ako. Nag-aayos nga rin ako ng mga upuan, eh," pagmamalaki ko.
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomanceIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...