"Nag-aayos pa lang kami ng mga gamit, kuya," sabi ko.
Nakaipit sa tainga ko at balikat ang cellphone at kausap si kuya. Nag-aayos na ako ng mga gamit dito sa kwarto. And guess what? Uuwi na kami sa Pilipinas!
He chuckled. "I was just excited so I called you. Ako susundo sa inyo sa airport."
I smiled. "Ikaw lang?" tanong ko.
"Yeah. Hindi sasama sina Kendra. Busy..." sagot nya makalipas ang ilang segundo.
Parang may iba syang naisip sa tanong ko kaya natagalan bago suamgot. Hmm.
"Well, it's okay if hindi sila kasama."
Nilagay ko sa maleta ang mga natuping damit.
"Where's mom? I wanna talk to her."
"Okay. I'll give this phone to her."
Pumunta ako sa kwarto ni mommy at binigay ang cellphone.
Tatlong maleta ang dala namin at may iilang mga bag pa.
"Paalis na, kuya," I said.
"Okay. Ingat."
Nang masigurong wala nang nakalimutan ay umalis na kami.
Sa huling pagakaktaon ay sinulyapan ko ang malaking bahay. I will miss this house. Sumakay kami sa taxi at nagpahatid sa airport.
Hindi naman nagtagal ang flight namin. Natulog lang sa mahabang byahe. Ginigising paminsan-minsan ni mommy para kumain.
Nagising ako sa mahinang pagtapik ni mom sa pisngi ko.
"Wake up. Nandito na tayo..." Kinusot-kusot ko ang aking mata.
Lumapag na din ang sinasakyang eroplano.
Sinuot ko ang shades bago bumaba. Finally, after eight years ay nakabalik din. Hindi ko mapigilan ilabas ang tuwa.
Sumalubong ang malakas na hangin sa akin. I smiled. Nakita ko si kuya, Kendra, Janine, Mark at Leo na malaki ang mga ngiti.
Lumawak ang ngiti ko. Sinuklay ko ang mahabang buhok na nadala ng hangin. Gustuhin ko mang tumakbo sa kanila dahil sa sobrang pagka-miss ay hindi ko ginawa. Pormal akong naglakad palapit. Si mommy naman ay umiyak na. Ngumiti lang ako.
"Finally!" Ngumiti lang ako sa kanila.
Nang makalapit sa kanila ay niyakap agad nila ako ng mahigpit.
"I missed you so much!" Niyakap ako ni kuya at hinalikan sa ibabaw ng ulo.
"I missed you, too!" Humalik ako sa pisngi nya.
Niyakap ko sila isa-isa gano'n din ang ginawa ni mommy at nagpatuloy sa pag-iyak.
"Hindi mo kasama?" tanong ko kay Janine at tinaasan ng kilay.
Pagod syang ngumiti at umiling. "Just visit them in my house." Kibit balikat na sagot.
Tumango na lang ako.
"Ang ganda mo..." Inalis ko ang shades na suot at tinaas sa ulo.
"Thanks." Kinindatan ko si Mark.
Ngumisi sya at pinilig ang ulo.
Tumama ang sinag ng araw sa balat ko. Pumasok na kami sa van.
Si Mark ay may dalang sariling kotse kaya sya lang ang nahiwalay sa amin.
"Akala ko ay si kuya lang ang susundo sa amin dahil mga busy kayo..." I said.
"Surprise!" natatawang sabi ni Kendra.
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomanceIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...