Lumapit sya sa akin at nilapag ang tray sa mini table na katabi ng kama ko.
"Eat now, baby," he said.
"Hindi pa ako gutom. Mamaya na lang ako kakain," sagot ko.
"Eat now, Divine."
Sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi pa nga ako gutom," inis kong sabi.
Umupo sya sa kama, kaharap ko.
"Kakain ka o gusto mong subuan pa kita para lang kumain ka?" he asked.
Nag-init ang mukha ko sa sinabi nya.
"Mamaya na nga ako kakain. Iwan mo na lang d'yan ang pagkain," mariin kong sabi.
"No. You will eat now," pagpipilit nya.
Sumimangot ako at pumikit ng mariin. Ang kulit.
"Oo na, kakain na ako! Pwede ka nang lumabas," sabi ko.
"Kakain ka ngayon mismo sa harap ko, Divine. Hindi ako lalabas. Panonoorin kita." Napairap ako sa sinabi nya.
"Seriously? Kailangan pa ba 'yan? Kakain lang naman ako."
"Gusto kong panoorin ka." Tumayo sya at kinuha ulit ang tray.
Inabot nya sa akin ang tray kaya umayos ako ng upo.
Umupo siya sa paanan ko.
Nag-umpisa na akong kumain. Mabagal ang bawat paggalaw ko dahil sa ilang. Hindi nya inalis ang tingin sa akin.
"If you're pregnant now, I won't make you angry. Baka hindi ka kumain kapag galit ka." Muntik na akong mabulunan sa sinabi nya.
"Pero alam kong mas lamang ang pagmamahal mo sa magiging baby natin kaya kahit galit ka, kakain ka pa rin. You will be a good mother..." dagdag nya.
Napainom ako ng tubig dahil sa mga pinagsasabi nya.
"A-ano ba 'yang mga pinagsasabi mo?"
He smirked. "Ngayon na kaya tayo gumawa ng baby natin, Divine?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Vein! What the fuck!" Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko.
He chuckled. "Just kidding. Saka na tayo gagawa ng baby kapag kasal na tayo. Pero kailangan ay may trabaho na ako at siguradong may maipagmamalaki na ako sayo bago kita pakasalan," he added sincerely.
Parang nawala lahat ng inis ko sa sinabi nya. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Kahit wala ka pang naipagmamalaki, handa naman akong pakasalan ka," seryoso kong sinabi sa kanya.
Ngumiti sya at kinagat ang labi. Natawa ako nang namula ang mukha nya.
Damn, he's so hot!
"Fuck... Kinikilig yata ako, baby," he said and looked away.
Nilagay ko ang tray sa mini table dahil tapos na rin akong kumain.
Lumapit ako sa kanya at pinisil ang dalawa nyang pisngi.
"Ang cute mo!" Pinanggigilan ko ang pisngi nya.
Hinawakan nya ang kamay ko na nasa pisngi nya.
"Stop it, baby."
Nawala ang ngiti ko nang mapatigil. Sobrang lapit ng mukha ko sa mukha nya at isang galaw ko pa ay baka maglapat ang labi naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
Roman d'amourIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...