It was my mom... Kissing and hugging another man...
Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha.
Unknown number:
If you want to know the truth. Go to the coffee shop near your school. Tomorrow, 8:00 am. I'll tell you everything.
It was sent 2 hours ago.
Hindi ko maiwasang maguluhan sa s-in-end na messages. Ang alam ko ay kapag Linggo ay sarado iyong coffee shop.
I replied.
Me:
I will go.
Tinignan ko ulit ang mga litrato. Hindi ako nagkakamali, si mommy 'yon!
Ang daming mga picture ang s-in-end at sa iba't-ibang lugar din 'yon!
Tumayo ako at mabilis na tumakbo paakyat. Nagtuluan ang mga luha ko.
Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak. Nagising ulit ako ay madilim pa.
Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang laman ng inbox kung totoo ba 'yung nakita ko o panaginip lang.
Nagsimula na namang magtuluan ang mga luha ko. Totoo nga! Sana ay panaginip na lang itong nakikita ko! Hindi ko kaya! Hindi ko matatanggap!
Quarter to five pa lang at kating-kati na ako na mag alas otso! Gusto kong malaman kung totoo ngang si mom 'to! Pero hindi naman siguro i-se-send sa akin ito kung hindi si mom at ibang babae?
Pero bakit sa akin s-in-end? Bakit hindi kay kuya? Kay daddy? Bakit sa akin?
Sa kahihintay ay muli akong nakatulog mabuti na lang at nag-alarm ng alas siete.
Bumangon agad ako at mabilis nag-ayos.
Nagsuot ako ng jacket at pants. Kinuha ko ang wallet ko sa loob ng bag at cellphone bago bumaba.
Mabuti na lang at walang tao sa baba kaya mabilis akong nakalabas ng bahay.
Dali-dali akong naglakad palabas sa village. Pumara ako ng tricycle para magpahatid sa coffee shop. Nag bayad ako at bumaba na.
Sarado ang coffee shop at nasa labas ang isang babae. Nang magtama ang tingin namin ay lumapit agad sya sa akin.
"Pumasok na lang po kayo sa loob. ma'am."
Kahit kinakabahan ay tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Madilim sa loob at nang pumasok ako ay saka lang nagbukas ang mga ilaw.
Nangangatal na ako sa kaba. Umupo ako sa upuan na nasa dulo. Ako pa lang mag-isa at wala pa 'yung taong gustong kumausap sa akin.
Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto kong umatras. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa maaaring malaman... parang hindi ko kakayanin.
Napatayo ako sa aking kinauupuan dahil sa pagpasok ng dalawang tao.
Seryoso lang silang nakatingin sa akin. Ako naman ay lalong kinabahan. Akala ko ay nagkakamali ako sa naiisip kung sino ang nagsend ng mga picture pero hindi pala!
"T-tita, Ate A-alaina..." nanginig bigla ang boses ko.
Kahit na nasa iisang village lang kami... Hindi ko sila laging nakikita. Noong unang kita ko sa kanila ay noong kasama nila si Vein na bumalik dito at hindi na nasundan pa iyon... ngayon lang.
"Have a seat, Ishihara." Umupo kaming tatlo. Kaharap ko silang dalawa.
Kahit naka-jacket ay ramdam ko pa rin ang lamig pero pinagpapawisan din ako.
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomanceIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...