Chapter 51: Hickey

205 16 0
                                    

"Ako nang bahala rito, Jane. Pasensya na kung wala ako masyado rito noong mga nakaraang araw," sabi ko.

Ngumiti sya at tumango. "Ayos lang po, ma'am. Kung may masakit po sa inyo ay magsabi lang kayo sa akin."

I felt guilty watching her. I said to her that my head always ached kaya hindi ako nakakapasok pero ang totoo ay abala ako sa kay Vein. Pero paminsan-minsan lang naman sumasakit ang ulo ko. Ilang araw na ang nakalipas mula noong mangyari 'yon. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako.

"Thank you. At pwedeng huwag mo na akong samahan mamaya mag bar. Pati ikaw ay naabala ko na kahit hindi naman oras ng trabaho mo..."

Ilang araw na rin akong nag-iinom sa malapit sa bar dito. Pang paalis ng init ng ulo. Tuwing gabi lang ako pumupunta at kasama lagi si Jane. Hindi na rin naman kasama 'yon sa trabaho nya pero sumasama pa sa akin para bantayan ako.

Tumawa sya. "Ayos lang talaga, ma'am. Wala 'yon. Ang mahalaga ay masiguro kong maayos ka. At hinabilin din kayo sa akin ni Ma'am Kendra."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"H-huh?"

Natawa sya lalo dahil sa naging reaksyon ko.

"Hindi nyo po pala alam. Inutusan din kasi ako ni Ma'am Kendra na bantayan ka lagi para masigurong ligtas."

Nanliit ang mata ko. Hindi ko alam 'yon. Kaya naman pala kahit nasaan ako ay sumasama si Jane. At kung hindi sya ay si Kendra naman palagi kong kasama maliban na lang kapag nasa bahay. Tinatawagan naman lagi ako.

Ngumuso ako. "Thank you. Huwag mo na akong samahan mamaya. Hindi naman ako maglalasing."

"Sigurado ka ba, ma'am? Baka mapagalitan ako ni Ma'am Kendra kapag pinabayaan ko kayo."

Gusto ko man tanungin sya kung sino ba ang boss nya sa aming dalawa ni Kendra pero huwag na. Para namang tinatakot ko sya.

"Ako ang bahala. Mabilis lang naman ako sa bar. Hindi katulad ng mga nakaraang gabi. Sasabihin ko rin kay Kendra kaya huwag kang mag-alala."

"S-sige po, ma'am," may pag-aalinlangan nyang sabi.

Lumabas na rin naman sya. Gaya ng sinabi ko ay tinawagan ko si Kendra.

"Napatawag ka? May kailangan ka?"

"Pati si Jane dinadamay mo pa," sabi ko.

Natigil sya ng ilang segundo bago tumawa.

"Nag-aalala lang naman ako sayo. Sinabi niya pala sayo..."

Ngumuso ako.

"Ayos lang naman ako. Huwag kang mag-alala. At sinabi ko na sa kanya na huwag na syang sumama sa akin mamaya."

"Ano?" gulat nyang sabi.

"Kaya kong mag-isa, Kendra. Mabilis lang ako at hindi naman ako mabilis malasing."

"Kahit na! Ako na lang ang sasama. Magsasara ako nang maaga mamaya. Maagang aalis naman si Leo mamaya kaya ayos lang na magsara na rin nang maaga mamaya."

Umirap ako sa sinabi nya.

"Ginagawa mo akong bata. Kaya ko na ang mag-isa. Promise, wala akong gagawing iba. Mag-iingat ako."

Bumuntong hininga sya.

"Siguraduhin mo lang na wala kang galos kapag umuwi. Huwag kang magpaabot ng madaling araw. Maaga kitang pupuntahan sa inyo."

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon