Chapter 60: Apologize

248 20 0
                                    

Habang naglalalad kami ni Kendra papasok sa elevator at ang dalawang body guard na nakasunod sa amin. Ramdam ko ang tingin ng iba sa akin. Some of them who work here know about Vein and Doctora Grace. I felt a little guilty.

I sighed. Hindi ko naman hawak ang utak nila para kontrolin na hindi ako gano'ng tao katulad ng iniisip nila. Wala akong inagaw. Hindi ko inagaw si Vein kay Doctora Grace.

"You okay?" si Kendra at pinatigil ako sa paglalakad.

Tumango ako. "I'm okay. May naisip lang."

"Nag send na naman ba ang anonymous sayo?" nag-aalala nyang tanong.

"Hindi. I'm okay, don't worry. Tara na, baka naghihintay na si Vein."

Tumango sya at muli akong inalalayan para maglakad. Si Kendra ang nagbukas ng pinto. Pareho kaming natigilan sa nakita.

"Gosh, bakit ngayon pa?" bulong ni Kendra sa akin.

Natigilan si Vein sa pagsasalita at humarap sa akin. Ang mommy nya ay gulat na nakatingin sa akin. Sa simbahan ang huli nang magkita kami. Hindi ko pa sya nakikita kahit na magkasama na kami ni Vein. Hindi pa rin nakakausap.

Lumapit sa akin si Vein at pinulupot ang braso sa bewang ko. "Hi, baby." He kissed my temple.

Gulat ako para sagutin ang sinabi nya. Nanatili kaming magkatinginan ni Tita Alora kung hindi ko pa naramdaman ang labi ni Vein sa labi ko.

"Vein!" gulat kong sabi at tinampal ang braso nya.

He chuckled and hugged me. "Don't worry about mom. She knows about us. Now, greet your mother-in-law, baby," he whispered.

My heart pounded.

He smiled at me. "Come here, baby."

Nakatayo si Tita Alora at kaharap namin. Hindi tumigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko.

Nanlaki ang mata ko sa biglang pagyakap sa akin.

"Ahm, t-tita?"

"Are you okay? Kamusta si baby?" Tumingin sya sa tiyan ko at hinawakan. Bakas ang kaba, takot at pag-aalala sa boses nya.

"Ayos lang po kami..."

Nagkatinginan kami. Pinaupo nya ako at nasa likod ko naman si Vein. Sina Kendra ay nanatili sa pinto.

"Mom, sasamahan ko lang si Divine. May check up s'ya ngayon. Umuwi ka na. Salamat po sa pagbisita rito."

Nagulat ako sa sinabi ni Vein kaya kinurot ko ang kamay nyang nasa balikat ko.

"Your mouth, Vein," mariin kong sabi.

"Oh, sure! Sure!" si Tita Alora na mabilis sumunod kay Vein.

I bit my lip. "Ah, pasensya na po kayo... Ingat po kayo sa pag-uwi..."

She smiled genuinely. "Thank you. By the way, pupunta ako sa condo nyo mamaya. Matagal na rin akong hindi nakapunta roon."

"Sure, tita." I hugged her back.

Nang makalabas sya ay tinignan ko ng masama si Vein. "'Yang bibig mo, Vein." Dinuro ko ang bibig nya.

He chuckled and hugged me. "I'm sorry, baby. Gusto ko lang na makapag check up ka na para mabilis matapos at makauwi na."

"Kahit na. Hindi mo dapat sinabihan ang mommy mo ng gano'n, Vein. You are very rude even to your mother."

"I'm sorry, baby. Mapapatawad mo pa po ba ako?"

Here we go again. With his playful side.

I rolled my eyes. Kung hindi pa sumabat si Kendra ay hindi kami matatapos sa pag-uusap.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon