Tumigil ang sinasakyang van namin sa hindi ko alam na lugar. Ang alam ko ay mahigit kalahating oras ang byahe namin bago makarating dito sa lumang building. Hindi familiar 'tong building sa akin kaya kinabahan ako.
Hindi kami nagpumiglas ni Kendra habang papasok sa lumang building. Abandonadong building. Halos puro mga sira-sirang bagay ang nakatambak sa unang palapag. Sumakay kami sa elevator at sa 15th floor ang pinindot ng lalaking pinakamatangkad na nakasagutan ni Kendra kanina.
Nang makalabas ay lumiko kami sa kaliwa. Sumimangot ako nang puro alikabok kaya natakpan ko ilong ko. Ilang beses pa yata kaming lumiko bago pumasok sa isang opisina. Nagulat ako nang may nakitang kama sa loob. Parang ginawang bahay lang ito ng taong nag-utos na kuhanin kami.
Ito lang yata ang malinis sa loob ng abandonadong building. May isang maliit na kwarto pa bukod sa cr. May lumabas na mga kalalakihan at puro nakaitim din. Sa gulat ay hindi ko namalayang natalian na pala kami ni Kendra.
Natuon ang mata ko sa babaeng lumabas sa kwarto kung saan lumabas ang mga kalalakihan kanina. Nakasuot ng itim na mahabang dress. Nakahawak sa malaki nyang tiyan at nakangiti sa amin. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Pabalik-balik ang tingin ko sa malaki nyang tiyan at sa nakangiti nyang mukha.
"Surprise!"
Walang nakaimik sa amin ni Kendra. Pareho kaming gulat habang nakatingin sa babaeng nasa harap namin.
"Sa tagal kong paghihintay ay ngayon nagawa ko nang makita ka ulit, Ms. Mendez. How's the death threat I always give you? I'm amazing, right?" Humalakhak sya at naupo sa upuang nasa harap namin.
"Sobra-sobra ba ang takot mo? Nakakasawa ring bigyan ka ng death threats kaya mabuting nandito ka na sa harap ko."
Matalim ko syang tinitigan. "What do you want, Doctora Grace?" malamig kong tanong.
Hindi ko naisip na kaya nyang gawin ito. Hindi ko naisip na sya ang nagbibigay ng death threats. I didn't think she was the anonymous one who always gave me death threats.
Muli syang humalakhak habang hawak ang malaking tiyan. Doon natuon ang atensyon ko. Mas malaki ang tiyan ko pero masasabi kong buntis din sya.
"You're a whore!" sigaw nya at tumayo. Tumigil sya sa harapan ko.
Nanatili ang matalim kong tingin sa kanya.
"Napakalandi mong babae ka!"
Napapikit ako sa sobrang lakas ng sampal niya sa kanan kong pisngi.
"Anong malandi ang sinasabi mo?! Hindi na kailangan lumandi ng kaibigan ko para makuha ang isang lalaki dahil kahit hindi pa nya tignan ang lalaki, lalapit na agad sila sa kaibigan ko! Napakakapal ng mukha mo para sabihin ng ganyan kaibigan ko!" sigaw ni Kendra at pilit inaalis ang tali sa likod nya.
Huminga ako ng malalim at muling humarap kay doctora. Kailangan kong magpakabait para hindi kami mapahamak. Hahayaan kong sampal-sampalin nya ako basta huwag napahawak ang sanggol na nasa sinapupunan ko.
Nag-isip ako ng sasabihin para humaba ang oras at alam kong makakarating si Vein dito.
Lumapit ako sa kama at naupo. Nakasunod lang ang tatlong lalaki sa likuran ko. Si Kendra ay nanatili sa harap ni Doctora Grace.
I looked at doctora Grace with emotionless. Mabilis ang paghinga nya dahil sa ginawang pagsigaw.
"Who are you to tell me I'm a whore? Why? Did i flirt with you?" I asked innocently.
Nanlisik ang mga mata nya. Isang kurap ko lang ay nasa harap ko na naman sya at muling lumapat ang palad nya sa aking pisngi.
"You flirt with my boyfriend! Inagaw mo sa akin si Vein! Kung hindi ka nya nakita at hindi nakilala ay hindi nya ako iiwan! Hindi sya makikipaghiwalay sa akin! Malandi ka!"
BINABASA MO ANG
Remember Me Again (COMPLETED)
RomanceIshihara Divine collided with Hermio Vein. Ishihara was angry with Vein because he didn't even pay attention to her when she was hurt, and his apology was insincere. Unexpectedly, she fell in love with Vein. She fell in love with the man she had hat...