Chapter 29: Threat

221 17 0
                                    

"Ishi!" Tumingin ako sa table ni Janine dahil sa pagsigaw nya sa pangalan ko. Lumapit ako sa table nya at nakiupo.

"Bakit?" tamad kong tanong.

Nasa cafeteria kami at kanina pa ako gutom pero tinatamad akong lumabas kanina.

"Anong gusto mo? Libre ko!" maligaya nyang sabi.

"Kahit ano na lang." Tumayo sya para bumili. Nakatingin lang ako sa kanya. Napapansin ko na lagi syang naka-hoodie kahit ang init-init minsan.

Mabuti ay hindi na pinapansin ng mga teacher namin ang suot nya. Pinabayaan ko na lang sya dahil minsan ay kung ano-ano trip nya sa buhay.

Wala ngayon si Kendra at absent. May sakit daw. Mamaya ay balak namin syang puntahan.

"Oh! Hi, Luke!" bati ko nang makita sya papalapit sa table namin.

Nginitian nya ako. "Hi, Ishihara!"

Umupo siya sa katabi kong upuan kung saan ang kaharap ay upuan ni Janine.

"Nasaan ang pagkain mo? Nakabili ka na ba o bibili pa lang? Gusto mo ako na lang ang bumili." sunod-sunod nyang sabi.

Umiling ako at tinuro si Janine sa pilahan. "Libre ni Janine." Tumango sya at ngumiti.

"Bibili lang din ako. Dito na ako uupo." Tumayo sya, ngumiti lang ako.

Silang dalawa na ni Janine ang pinapanood ko. Magkasunod lang sila sa pila kaya sabay lang din silang makakabalik dito sa table.

Naalala ko na naman nuong bago mag-christmas ay tinuruan kami ni Luke mag-basketball. Dapat ay ako lang pero sumali si Janine at Kendra.

Malapit lang naman sa amin ang court kaya halos araw-araw kaming naglalaro. Pag hindi basketball ay volleyball. Iyon ang naging libangan namin bago mag pasko at bagong taon.

Hindi naman kami nangitim dahil may bubong ang court sa village namin. Pansin ko rin na naging malapit si Janine at Kendra kay Luke. Nakakatuwa lang dahil nakakasundo namin si Luke.

Dati ay hindi kami makalapit kay Luke dahil sobrang sungit nya at maraming nagiging girlfriend kaya hindi namin malapitan. Ngayon ay nagbago na rin sya. Masungit sa iba pero kapag napalapit na ay hindi masungit. Mabait, maalaga at maalahanin talaga sya.

Sabay silang dumating sa table at pinatong ang tray na may pagkain.

Spaghetti lang ang akin at juice dahil iyon lang naman ang paborito ko rito sa cafeteria.

"Dalawang araw nang hindi pumapasok si Vein, Ishi," sabi ni Janine. Napatigil ako sa pagkain.

Apat na araw ko nang hindi nakikita o nakakausap si motor. Kahapon at ngayon ay hindi sya pumasok.

"Natulong siya sa mommy niya," simple kong sabi. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang dahilan.

Nag-o-overthink na ako, pero pinipigilan ko dahil alam kong may iba pang dahilan 'yon.

Tahimik lang kami sa pagkain habang ako ay iniisip pa rin 'yung sinabi ni Ate Alaina. Dalawang linggo na ang lumipas mula noong sinabi nya 'yon.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa rin ba sya.

"Hatid ko na kayo sa classroom nyo," sabi ni Luke nang nag-aayos na kami ng mga kinainan. Tumango lang kami ni Janine.

Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin iyon. Nasa likod ko ang dalawa kaya hindi ko alam kung nag-uusap ba sila dahil natatabunan ng mga kung ano-ano ang isip ko.

Remember Me Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon