CHAPTER 23
Jared's POV
Agad akong pumunta sa condo ni Jewel. Wala akong pakialam kung gabing-gabi na. Basta ang alam ko lang, nandito na ulit sya.
Pagdating doon, pinindot ko na agad yung password nya.
Two-Five-Nine-Six
"AHHH!! AYOKO NA!! AYOKO NAAAAA!!"
Shete. Ano yun?! May nakapasok ba dito?!
"Jewel...?" kinakabahang tawag ko sa kanya. Tumakbo na ako sa pinanggagalingan ng boses nya. Madilim pa mandin yung paligid kaya kung anu-anong gamit na yung nabunggo ko!
"AHHHH!!"
"JEWEL!!" Lalo akong kinabahan. Punung-puno kasi ng takot yung boses nya. "Jewel nasa'n ka??!"
Hinanap ko na talaga sya. Maya-maya, may nakita akong parang ilaw sa may living room. Syempre pumunta agad ako dun.
"J-JARED!! WAHHHH!!"
"Jew-"
Napatigil na lang ako bigla.
Shete.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Umakyat na yata lahat ng dugo sa utak ko noong makita ko yung scene na nadatnan ko.
Nakaka-potek lang ha.
"JARED!!" sigaw pa rin ni Jewel. Napapikit na lang ako. Ano bang gagawin ko sa babaeng 'to?
Nakaupo sya ngayon sa sofa at nakatalukbong ng kumot. Sigaw sya ng sigaw. Nanonood pala sya ng horror movie.
Pero wait... nanonood nga ba sya? Counted bang panonood yun kung hindi naman nya tinitignan yung screen dahil nga nakatalukbong sya??
Potek talaga. Ngayon ko na nararamdaman yung pagbaba ng adrenaline ko. Hooh!!
"JARED!! TULOOONG!! WAHHH!! AYOKO NA!!!"
*sigh*
Amber's POV
Nasaan na ba si Jared? Narinig kong tinatawag nya ako kanina ah! Asan na ba sya?!!
Dahan-dahan kong ibinaba yung kumot nang biglang...
"WAHHH!!" sigaw ko. Bigla na lang kasing may humila ng kumot. Naman eeee!! TT.TT
![](https://img.wattpad.com/cover/14010400-288-k886959.jpg)
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Fiksi RemajaHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.