CHAPTER 2
Amber's POV
"HINDEEE!! AYOKO!! BAWASAN MO LANG!!" pakikipagtalo ko sa baklang nag-aayos sa akin.
Nandito ako ngayon sa Super Chique Beauty Salon, yung main branch ng salons ni Trisha. Dito pala kami pupunta noong siabi nyang samahan ko sya.
At ang gusto nya?My total transformation. Ito daw yung latest project nya at tinatawag nya itong...
Magmukhang Tao Si Amber Operation.
Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matatawa. Para kasing sinabi nyang hindi ako mukhang tao.
"Ano ba ghurl!! Ako ang stylist, hindi ikaw!! Gusto mo palit tayo? Pero syempre ayoko dahil mas maganda ako sa'yo!!" sabi ni Juliana, yung baklang kumukutingting sa buhok ko. Julio kasi ang totoong pangalan nya.
"OY! JULIO SEBASTIAN!! ANONG KAGULUHAN YAN, HA?!" narinig kong sabi ni Trisha na kaina pa ata rinding-rindi sa pagtatalo namin ni Juliana.
"JULIO SEBASTIAN KA DYAN!! JULIANA!! JULIANA!! PAREHO KAYONG MATIGAS ANG ULO NITONG PALAKANG KAIBIGAN MO!!" sagot naman ni Juliana.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan makipag-usap si Juliana sa boss nya no? Well, as I said, napaka-dedicated ni Trisha sa trabaho nya. Kasama na dun ang pagiging close nya sa mg empleyado nya. Kulang na nga lang, sila na ang mag-best friend e.
"SINONG TINATAWAG MONG PALAKA, HA?! GUSTO MONG KALBUHIN KITA?! SA GANDA KONG 'TO, TATAWAGIN MO AKONGNPALAKA?!!" singhal ko. Totoo naman, ang ganda-ganda ko tapos tatawagin nya akong palaka? Ibaon ko kaya sya 6 feet under the ground?!!
Ang ganda ko no!! Describe ko pa yung sarili ko sa inyo e.!!
Long straight black hair na laging naka-ponytail, mapuputing mga ngipin na may brace, malabo ang mata kaya laging may suot na wide-rimmed eyeglasses, heart-shaped face, uhmm, medyo makapal na kilay, hindi katangkaran, at syempre, may coca-cola shape na katawan.
Best asset ko yang coca-cola shape kong katawan e.
Coca-cola in can.
Oh, di ba?! Maganda ako!! MAGANDA AKO!!
Ako ang pinakamaganda sa lahat ng mga nerd!!
"HOY AMBER!! Umayos ka ha!! Hayaan mo na si JULIO SEBASTIAN dyan!! Mas magaling ka pa sa nanggugupit e! KUNG AYAW MONG TAWAGING PALAKA, HAYAAN MO NA SYA!" sabi nanaman ni Trisha.
Hmp! Edi magsama pa sila!! Pareho silang mga bully!!
Pero, sige na nga!!
"JULIO SEBASTIAN!! AYUSIN MO HA!" sabi ko kay Juliana.
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Novela JuvenilHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.