Chapter 28

2.8K 51 1
                                        

CHAPTER 28

 

Amber's POV

 

"Ano? Mission accomplished na ba?" excited na tanong ko kina Jared pagdating ko sa hospital.

"Ewan. Hindi pa naman yata sila tapos mag-usap. Teka nga, ba't ngayon ka lang? Ikaw yung mastermind ng kalokohang ito tapos ngayon ka lang magpapakita?" angil ni Jared. Nakaupo sya sa upuan sa labas ng room kung saan namin kinulong sina Cade.

Nagulat na lang sya noong bigla akong tumabi sa kanya at yumakap. Haha. Pagbigyan nyo na ako. Minsan lang ako lumandi.

"B-Bakit?" nakakunot-noong tanong ni Jared.

"Low bat na ako. Kailangan kong mag-charge," sagot ko lang. Alala nyo kasi noon? Sinabi kong broken ako and I need to charge. Mukha namang naalala din yun ni Jared dahil gumanti din sya ng yakap.

"Hindi ko na sila marinig," sabi ni Jude na idinikit pa talaga yung tenga sa pinto.

"Baka awkward pa rin sila." - Claire.

"O kaya making up for the lost time," sabi ni Warren na abot tenga ang ngiti. Bigla na lang umigkas yung kamay ni Jude at binatukan si Warren.

"Wag ka ngang bumabanggit ng mga ganyang bagay sa harap ni Claire!!"

Natawa na lang kami ni Jared. Hayh naku. Minsan parang nagiging sobrang exaggerated na ng pagiging boyfriend ni Jude kay Claire. Para na nga syang tatay e.

"Hindi na ako bata!!" naka-pout naman na reklamo ni Claire. See? Lumapit tuloy sa kanya si Jude at pinisil yung ilong nya.

"E mahal kita e!" sagot ni Jude sa nobya. Nag-blush naman si Claire. Nagkatinginan kami nina Warren at Jared saka sabay-sabay na nag-roll ng mga mata. Agh. Nilalanggam ako!!

"Bolero ka pa rin," sabi ni Claire. Ugh! Honestly? Mukhang nagsisisi na ako na tinulungan namin itong dalawang ito na magbati ah!

"Hoy!! Buksan nyo na nga itong pinto!!" Sumisigaw na si Claire sa loob ng room kasabay ng malalakas na katok nya.

"Tapos na kaming mag-usap!" sabi naman ni Cade na sinabayan din nya ng mga katok. Mukhang ang pinag-usapan nila e gibain yung pinto ah. Tsk tsk tsk.

"Ano, bubuksan na ba natin?" tanong ni Jude.

"Kailangan e. Sobrang lakas na ng mga ingay na ginagawa nila. Baka i-report na tayo ng mga nurse kay ninong," sagot naman ni Warren. Ninong nya kasi yung director ng buong hospital kaya nagawa naming makakuha ng isang room just for this plan.

Lumapit si Warren sa pinto. Noong bubuksan na nya iyon, lumingon sya sa amin.

"Guys, pagbukas ko ng pinto magsitakbuhan na tayo ha. Siguradong pinag-usapan nila kung pa'no idi-dispose yung mga bangkay natin."

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon