Chapter 33
Amber's POV
11 hours and 13 minutes before the operation. Hindi pa rin ako makatulog. Alam kong kailangan ko nang ipahinga itong katawan ko but for some reason, may pumipigil sa akin na matulog.
Hindi kaya kapag pumikit ako, hindi na ako magising? Hindi kaya alam ko sa sarili ko na ilang oras na lang ay bibigay na ang katawan ko kaya ayaw kong sayangin ang oras ko sa pagtulog lang?
Oh my God, I'm scared.
So scared.
One year ago, I believed that dying is a beautiful thing lalung-lalo na noong nagsimula na yung paninikip ng dibdib ko. It was so hard and painful. Lalung-lalo na at wala akong karamay noong mga panahong iyon.
But now I have more than I have wished for.
Trisha. Cade. Ivy. Jude. Claire. Warren...
Jared.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama at lumapit sa couch kung saan natutulog si Jared. Hindi ko maiwasang mapangiti noong makita kong bahagyang nakabukas yung bibig niya.
Mukha siyang bata. I love seeing him like this - so serene and peaceful. 'Yung Jared na hindi laging nagwo-worry sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ang buhok niya.
He stirred.
I froze.
Dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. Saglit pa siyang kumurap-kurap bago ngumiti.
"Hey."
"Hey. Sorry, I didn't mean to-"
"Shh, it's okay. Come here, baby," sabi niya saka umusod para may space ako sa couch. Tumalima naman ako. "You can't sleep?"
"No. But I'm thankful I can't because I love watching you sleep."
He smiled that lazy smile of his. Biglang-bigla, nabawasan 'yung takot ko. I've always wonder how he does that - making me feel safe somehow. Siya lang ang nakakagawa nun.
Hinawakan niya 'yung braids ko saka bahagyang hinila. "Gusto mo ng gatas?" tanong niya.
Hindi ako mahilig sa gatas. Alam iyon ni Jared. Kaya naman pareho kaming nagulat noong sinabi kong, "Oo."
He frowned but scooted out of the couch and walked to the kitchen. Pagbalik niya, my dala nga siyang gatas. Noong iabot niya iyon sa akin, may luhang pumatak galing sa mga mata ko.
That milk was the best thing I've tasted my whole life.
***
Jared's POV
9 hours and 28 minutes before the operation at sa wakas, nakatulog na si Jewel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya ngayong gabi. Hindi niya gusto ng gatas pero nagpatimpla siya. Umiiyak pa siya habang iniinom iyon. Tapos, hindi pa siya nakuntento. Gusto niya pang makipagkwentuhan hanggang sa nakatulog na siya.
She even asked for a kiss before she closed her eyes.
At habang nakapikit, hiniling pa niyang saka ko siya gisingin ng 10 am. Hindi labis, hindi kulang. Saktong 10 am. Pinag'promise pa nga akong hindi ko siya iistorbohin hanggang sa oras na iyon e.
Jeez.
Hindi ko man pinahalata, natakot ako. Parang may gusto siyang iparating. Damn it.
She needs to rest. It would be a long day tomorrow.
And a stressful one.
At dahil alm kong hindi ganun ka-comfortable 'yung couch, binuhat ko siya papunta sa kwarto niya. I watched her sleep. Napangiti pa ako noong bahagyang bumukas 'yung bibig niya.
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Genç KurguHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.