Chapter 11

2.6K 49 0
                                        

CHAPTER 11

Amber's POV

"Naparami ata 'yung ginawa kong cupcakes..." kinakabahang sabi ko kay Jared habang nakatitig sa limang container ng cupcakes.

"Babe, sakto lang 'yan. Patay-gutom nga 'yung mga ugok na 'yun," sagot ni Jared na hindi manlang ako tunapunan ng tingin.

The night before, hindi kasi ako makatulog kaya nag-bake na lang ako. Kahit hindi naman kasi dapat, kinakabahan akong ma-meet 'yung friends ni Jared. Alam kong hindi naman ako dapat kabahan kasi nga 'fake' kami ni Jared pero hindi ko maiwasang gustuhing makakuha ng good first impression from them.

"Ah," Jared prompted noong tumigil akong subuan sya ng brownies.

Yes. Gumawa din ako ng dalawang container ng brownies. 'Yung isa, itinago ko sa isa sa limang containers sa likod kasi baka hindi na umabot sa camp. 'Yung isa, inilabas ko dahil alam kong hindi ako tatantanan ni Jared hanggat hindi ko 'yun binibigay.

"Kaya mo siguro ako inimbitahan para may taga-subo ka," I grumbled even if I gave him a chunk.

"Do your job, woman. Ganyan talaga kapag girlfriend ko - pinagsisilbihan ako," he teased. Syempre binatukan ko ulit.

"Need I remind you that I am not your real girlfriend?" I asked sweetly before I popped the remaining brownie into my mouth.

He gasped in outraged.

"How dare you!! That's my brownie!! MINE!!"

Luh? Bayolente??

"Hoy, technically akin 'yun. Ako kaya ang nag-bake nun!!" sabi ko. Kumuha pa ako ng isa pang brownie sa container na nasa lap ko at kumagat.

"Hmmm!!" pang-aasar ko.

"NO!!!" bulyaw nya. Inihinto nya 'yung sasakyan sa gitna mismo ng kalsada saka inagaw sa akin 'yung container.

"MINE!!" galit na singhal nya sa akin habang nakayakap sa container.

Eh??

"EDI SA'YO LANG!! MAGSAMA PA KAYO!!" bulyaw ko din. Kung galit ako, edi mas galit 'yung mga naharangan naming mga motorista.

"HOY!! TUMABI NAMAN KAYO!!" sabi nung isang taxi driver.

"HINDI SA INYO ITONG KALSADA!!" sabi naman nung isa pang may-ari ng isang private vehicle.

"Eto kasing epal na babaeng 'to!!" turo sa akin ni Jared. Walanjo!! Ako pa ngayon ang may kasalanan?! Masama ba talagang mambatok manlang ng baliw? Kahit isang beses lang!!

*sigh*

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana bago pa ako maka-commit ng murder. Hindi ko na lang sya pinansin. Hindi ko na sya kinausap.

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon