Chapter 6

3.2K 56 3
                                    

CHAPTER 6

Jared's POV

"Wahaha!! Sa lahat yata ng kalokohan mo, ito na ang pinakamatindi!!" tumatawang sabi ni Warren. Nandito kami ngayon sa canteen.

"Ding dong!!" pagsang-ayon naman ni Cade.

"I know. Pero mga bro, gusto kong tumahimik muna 'yung buhay ko. Kahit mga ilang buwan lang," sabi ko.

Sa sinabi kong 'yun, lalo lang silang tumawa. Ang sarap lang supalpalin e.

"The Ultimate University Playboy, gustong mag-lay-low?! Wahahaha!! Joke ba yan?!" sapaw naman ni Jude habang subo ng subo ng boy bawang.

"Mukha ba akong tumatawa?!" angil ko sa kanya. Bigla namang nag-seryoso 'yung mukha ni Warren.

"Be careful though, bro. Maganda na gusto mong tumahimik muna ngayon after the everyday drama na lagi naming nakikita dito sa campus. Pero may ibang tao na hindi matutuwa na pinaglaruan mo sila tapos nagseseryoso ka sa iba," sabi nya.

Luh?!

"Hoy, Warren. 'Wag mong ginagamit 'yang pagka-psychology student mo sa akin, ha!" sabi ko. He grinned. Tumingin sya sa wrist watch nya.

"Speaking of that, may appointment pala ako ngayon," sabi nya at tumayo na.

Psh. Hindi pa man sya gruma-graduate, in demand na sya. Ano bang meron sa kanya? I mean, bukod sa napakatalino nya, first sya sa Dean's list, at napakagaling mambola kaya nagoyo nya yung mga estudyante dito na iboto syang Student Council President?

ANO BANG MERON SA KANYA?!

"Kami din. May date kami ngayon e," paalam naman ni Cade. Tumayo na sila ni Jude.

"Sayang naman! Break na ni Jewel e. Ipapakilala ko sana kayo," sabi ko sa kanila.

"Sorry, bro. I-Invite mo na lang sya sa camping trip natin next weekend. We'll meet her then," sabi ni Warren.

"Bakit hindi pwede bukas o sa isang araw o sa isa pang araw? Bakit sa weekend pa?"

"I'm kinda busy. At alam kong busy din itong dalawang ito," sabi ni Warren na iningunguso 'yung kambal.

"And besides, if I'm going to meet her, gusto ko yung makikilatis ko talaga sya. Para naman makilala ko nang husto yung nagpapatino sa'yo ngayon," tumatawang sabi ni Cade.

"Baliw," sabi ko na lang. Sarili kong desisyon na magpakatino muna 'no. Walang kinalaman si Jewel dun.

'Di ba?

After nun, umalis na sila. Hihintayin ko dito si Jewel. Alam naman nyang dapat sabay kaming kumain ng lunch e.

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon