CHAPTER 12
Amber's POV
"Jewel... kain na!!"
"Go away!!" I hissed under my breath. Kainis!! Istorbo!! He chuckled when I didn’t even reach him with my half-attempt swings.
“Jewel… kakain na. Halika na…” pangungulit pa rin nya. Hinawakan nya ‘yung ends ng buhok ko at pinangkiliti ‘yun sa tenga ko.
AGH!! Sinubukan ko ulit syang paluin pero as usual, hangin nanaman ‘yung natamaan ko. Why can’t he just leave me in peace?!!
“Jewel…”
“Go away!!”
“Nope. You need to eat babe. Naghihintay na ‘yung iba sa’yo,” sabi nya. Napamulat naman ako.
“Yung iba?” confused na tanong ko. Again, he chuckled.
“Nakalimutan mo na bang nasa camping tayo? Hinihintay ka na nila Warren. Kanina pa sila nagugutom e.”
Damn. Oo nga pala!
“Ba’t ‘di mo ako ginising agad?! Gosh, nakakahiya!!” sabi ko matapos ko syang hampasin. Tumayo na agad ako sa higaan ko. Masyado nga lang yatang napabilis ‘yung pagtayo ko dahil bigla akong nahilo.
“Whoa!! Careful…” Jared crooned. Inalalayan na nya ako palabas ng tent. Paglabas namin, nakapalibot na ‘yung mga kasama namin sa bonfire. May ka-date din pala sila. Si Trisha… nasa tabi ni Warren. Nag-uusap sila.
Syempre natahimik ako. Ni hindi manlang kasi ako tinignan ni Trisha. Pagkaupo namin ni Jared at matapos nya akong kuhanan ng pagkain ko, kumain na kaming lahat.
Habang kumakain, pinapanood ko silang lahat.
Si Cade ang kumukuha ng pagkain ng partner nya. Ivy yata ‘yung pangalan? Maganda sya… I bet mas maganda pa sa akin. Una pa lang, nakuha na agad nya yung respeto ko. Why? Sya kasi yung unang babaeng nakilala ko na hindi manlang tumingin kay Jared in a lustful way.
Lustful talaga? Haha.
Isa pa, halatang gustung-gusto nya si Cade. Sya yung unang tumatawa kapag nagjo-joke si Cade. Sya din ang unang nakaka-sense ng kailangan nito. Bago pa man nito sabihing ‘tubig’ e inaabutan na nya ito.
Well, ganun din naman si Cade sa kanya.
Si Jude naman, sya ang kinukuhanan ng pagkain nung kasama nya. Claire ‘yung sinabi nyang pangalan nya noong in-introduce kaming dalawa. Like Ivy, nase-sense din nya yung mga kailangan ni Jude. Ang kaibahan nga lang, parang hindi sya pinapansin ni Jude.
Kasi nakatingin sa akin si Jude.
Luh…

BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
أدب المراهقينHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.