Chapter 9

2.6K 52 1
                                    

CHAPTER 9

Jared's POV

"That's not me!! Hindi pwedeng maging ako 'yan!!" sigaw ko para marinig 'yung mga sinasabi ko sa lakas ng mga tawa nina Warren, Cade, at Jude.

Tumayo si Jude at tinuro si Cade. Sinubukan nyang gayahin 'yung boses ko.

"SUNTUKAN NA LANG O!! ANO?! SA LABAS NA LANG!!" sabi nya na ikinatawa nanaman nilang tatlo.

Pumikit na lang ako. Dear readers, masama ba talagang manakal ng tatlong kumag?!!

"Ha-hunting-in ko kung sino man ang nag-upload nyan. Kakasuhan ko sya ng slander, libel, stafa, homicide, pesticide, at insecticide!!" galit na sabi ko.

May nag-post kasi ng video namin ni Jewel habang nagtatalo kami sa bakeshop kahapon. 24 hours pa lang mula noong nai-post 'yung video pero may more than 3 million views na agad 'yun. Mas viral pa 'yun sa viral e!!

Ang nakaka-high blood pa, ang daming comments.

'They're so cute together.'

'I think they are madly inlove.'

'So sweet.'

'They're perfect for each other.'

At marami pang iba. Nakakabanas, 'di ba?! I mean, cute naman talaga si Jewel. But for heaven's sake, para kaming aso't pusa. Halos magpatayan na nga kami dun sa video tapos sasabihin nilang bagay kami?

Come on!!

Lumapit si Warren sa akin at tinapik ako sa balikat habang tumatawa.

"Excited na akong ma-meet sya," sabi nya. "Did you invite her for the camping trip this weekend?"

"Oo. Pumayag na sya," sagot ko.

"Good. I think this camping trip will definitely be exciting," sabi nya. Tumingin sya ss wrist watch nya. "Akala ko aalis ka? 4 PM na kaya."

Uh-oh. Susunduin ko nga pala si Jewel. Buti na lang pinaalala ni Warren. Nandito kami sa bahay nila Jude dahil wala kaming klase.

"Oo nga pala! Susunduin ko nga pala si Jewel!" sabi ko. Lumapit din si Cade at tinapik din ako sa balikat habang umiiling.

"Tsk tsk tsk. Susunduin mo pa sya? Wala na, bro. Natamaan ka na," sabi nya.

Huh? Binatukan ko nga.

"AWWW!!" reklamo nya. Buti nga.

"Syempre susunduin ko sya! Kailangan nga naming mag-pretend, remember?" sabi ko. Si Jude and sumagot.

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon