Chapter 7

2.8K 51 3
                                    

CHAPTER 7

Amber's POV

"Hello, Trish? Please naman o... ano bang-"

Napatingin na lang ako sa phone ko noong biglang dinisconnect ni Trisha yung phone. Pangatlo na yun. I sighed and dialed her number again.

"The number you have dialed is either unattended or out-"

Now I'm really freaking out. She turned her phone off!! Pabalik-balik akong naglakad sa living room, nag-iisip kung paano ko makakausap si Trisha hanggang sa naisip ko ang ultimate solution... and possibly the only solution...

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa wall ng living room. 5 PM. Ibig sabihin... nandun sya sa salon nya.

Syempre yung ultimate solution na sinasabi ko e pupuntahan ko sya dun. Kapag talaga nagfri-freak-out ako hindi na gumagana yung mga brain cells ko. Ba't hindi ko ito naisip from the start?!

Kumuha agad ako ng jacket sa closet ko at tumakbo na palabas ng condo ko. Sakto namang pq-close na yung elevator paglabas ko kaya tumatakbo akong sumisigaw.

"Wait lang po!!" sigaw ko. May pumindot naman ng hold button kaya safe akong nakasakay. Medyo siksikan nga lang kaya noong dumagdag pa ako, some of them glared at me.

Luh? Edi wow!! Para namang sila lang ang pwedeng sumakay! Psh!!

Noong makalabas na kami, inunahan ko na din silang sumakay sa taxi. Haha. Sorry naman, nagmamadali e.

"San po kayo, miss?" tanong ni mamang taxi drayber.

"Kuya sa SM North Edsa po. Uhh... baka pwede pong pakibilisan. May hinahabol po kasi ako," sabi ko.

"Uh, rush hour po kasi ngayon, miss. Labasan ng mga estudyante at mga nag-oopisina. Ibig sabihin po, baka maipit po tayo sa traffic."

"Ganun po ba? Wala po ba kayong alam na short cut?"

"Titignan ko, miss," sagot nya. Umupo na lang ako nng maayos sa likod, nagdarasal na sana e maabutan ko sya doon.

"Potek," nasabi ko noong thirty minutes after, naipit na nga kami sa traffic. Ano ba naman!! Kinuha ko na lang yung phone ko at sinubukang kontakin ulit si Trisha.

"The number you have dialed-"

Luh, nakapatay pa rin!! Napatingin ako sa pila ng mga sasakyan na parang mga langgam na naghihintay na mag-green yung traffic light Napabuntung-hininga na lang ako. Wala naman akong magagawa kasi malayo pa ako sa mall.

6:30 PM na noong nakarating ako sa salon.

"PALAKA!!" sigaw agad ni Julio Sebastian. Iniwan na nga nya yung ginugupitan nya para lang lunapit sa akin e.

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon