CHAPTER 3
Jared's POV
I spotted her before she spotted me. Damn, but she's beautiful. Pagpasok pa lang nya e nagtinginan na lahat sa kanya. The girls are glaring at her while the boys are definitely awed by her beauty.
But one thing is clear. She's nervous. Kitang-kita yun sa pagkakakapit nya sa kasama nya. Para syang na-corner na daga at halatang naninibago sa paligid nya. Ni hindi manlang sya aware sa mga tingin ng mga lalaki sa kanya.
Nilibot nya yung paningin nya, and, as if feeling my stare, looked directly at me. DIRECTLY AT ME.
Itinaas ko yung baso ko na may lamang rum na may lemon as a greeting. She smiled. I took that as a good sign so I immediately finished my drink, removed the hands of two girls away from me, and made my way to her.
"Hi. I'm Jared," sabi ko. Inilahad ko yung kamay ko. Nagtinginan sila nung kasama nya.
"Uhmm... A-Amber," sagot nya. Nakipag-shake hands naman sya. Tapos tinuro nya yung kasama nya. "Sya si... ano na nga name mo?"
Binatukan tuloy sya nung kasama nya. Haha.
"I'm Trisha," sabi nung kasama nya at sya na mismo yung nakipagshake-hands sa akin. "Pagpasensyahan mo na itong isang 'to ha, medyo alog ang utak ngayon e."
"Kung ganyan din lang kaganda ang mga alog ang utak ngayon, okay lang," sabi ko. Nag-blush si Amber.
"Uhm, Jewel, wanna dance?" I showed my killer smile. Killer smile kasi wala pang nakakatanggi sa akin kapag lumabas na yung mga dimples ko. Hah!
Itinulak naman sya ni Trisha papunta sa akin.
"Ahh, Jared, Amber ang name ko. Hindi Jewel," sabi nya.
"Yeah? So, you wanna dance?" I asked offhandedly. She glanced at Trisha who gave her an encouraging smile.
"C'mon. Don't worry, I won't bite," I quipped. She smiled and took my hand. Medyo napasinghap ako. Yun na kasi yung pinakamalambot na kamay na nahawakan ko.
"Dito lang ako," sabi ni Trisha. Then we made our way to the dance floor. Aware ako sa mga naiingit na tingin ng mga lalaki. Hah! Mainggit lang kayo. Aware din ako sa glare nung dalawang babaeng parang tuko kung makakapit sa akin kanina. Hindi ko naman sila masisisi - I have the prettiest girl in my arms this night.
Pagdating sa dance floor, sakto namang napalitan yung music ng isang pang-sweet dance. I grinned. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana ha.
Psh. Corny.
"So, how come ngayon lang kita nakita dito?" umpisa ko. Syempre ngumiti ulit ako.
"Uhh, baka kasi ngayon lang ako pumunta dito?" she retorted. Nga naman. Tumawa ako. Tumawa din sya. And… yun na yata yung pinakamagandang tunog na narinig ko.
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Novela JuvenilHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.