Chapter 18

2.6K 56 0
                                        

CHAPTER 18

 

Claire's POV

 

*beeeeep* *beeeeeep*

Kanina pa ako naiirita dito sa kotseng kanina pa sumasabay sa akin sa paglalakad. Abnormal ata yung driver e. Inis na inis na yung mga sasakyang nasa likod nya pero hindi naman nya binibilisan.

Noong hindi ko na matiis, nakapamaywang na akong lumapit sa kotse. Kinatok ko yung window sa driver's side.

"Mamang drayber, ano bang problema mo?!" tanong ko. O-kay. Medyo walang modo yung labas. :p

Dahan-dahan namang nag-roll down yung bintana.

"Gusto mong sumabay?" tanong nung driver with matching wink pa. I just rolled my eyes.

"Jude, mauna ka na sa school. Mag-review ka na lang. Major exam na, remember?" sabi ko. Ipinagpatuloy ko na yung paglalakad.

"Okay," sabi lang nya saka binilisan na yung pagpapatakbo sa kotse nya. Iniwan nga nya ako.

O-kay. Ang weird ng feeling ko. Bakit parang disappointed ako na hindi manlang sya nagpumilit?

Bad mood na ako noong makarating ako sa paradahan ng jeep. Ang sama ng umpisa ng araw ko. Nakakainis. Sabay pagdating ko pa dun, pila pa.

Potek lang.

"Uyh, Claire!" may tumawag sa akin. Paglingon ko, nakita ko nanaman si Nico.

Great. Just what I need to prove that this day is the worst day of my life. Ayh mali. Yung worst pala e yung araw na nakipag-break ako kay Jude.

"Oh, Nico! Grabeng coincidence na 'to, ha!!" sabi ko na lang. Grabe na kasi e. Parang kahit saan ako pumunta, lagi ko syang nakakabangga.

Ngumiti lang sya. "This is not a coincidence. Talagang hinihintay kita."

Ano daw??

"Huh?" sabi ko.

"Hinihintay talaga kita ngayon para sabay na tayo."

"B-Bakit?"

"Hindi pa ba obvious?" he laughed self-consciously. "Nanliligaw na ako sa'yo."

Ahh...

Ehh...

Ano daw??

"Huh?" tanong ko ulit.

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon