Chapter 5

3.2K 58 1
                                        

CHAPTER 5

Amber's POV

"Trisha!! Trisha!! Dito o!!" tawag ko kay bestfriend pagpasok nya sa classroom. Alam kong classmate ko sya sa subject na ito kaya ni-reserve ko yung upuan sa tabi ko para sa kanya.

Kakaiba din talaga itong school na ito ha. Instant celebrity agad ako. Ironically, feeling close yung mga babae sa akin. I bet gusto lang nilang makasagap ng tsismis tungkol kay Jared.

Needless to say, naging kaibigan ko lahat sa school na ito. Well, except sa ibang epal lang talaga. Ganun ba talaga? Kakaibiganin ka nila habang 'boyfriend' mo si Jared tapos kaaway mo sila kapag hiwalay na kayo? Okay lang sila?!

"TRISHA!! DITO!!" sumigaw na ako. Para kasing wala syang narinig.

Tumingin naman sya sa akin pero hindi lumapit. Instead, umupo sya sa part na pinakamalayo sa akin.

Luh?

Teka nga. Bakit ba sya nagagalit?! Wala naman akong ginagawa sa kanya a!!

"Good morning, class. Please bring out your schedules and check if you entered the right class. This is Psychology 1. The class code is 7426. Tama ba?" tanong nung teacher pagkapasok nya.

"Yes, sir!" sagot naman namin.

"Good. I am Mr. Virgil Cruz, and I will be your teacher for this subject," pagpapakilala nya.

Mukha namang mabait itong teacher na ito pero mukha ding strikto. Ang gulo no?

"For our first activity, kailangan ko kayong i-pair. Nakuha ko na yung official list ng students ko for this subject kaya inayos ko na yung pairing kanina. What you will do is isusulat nyo sa one-fourth sheet of intermediate pad paper yung first impressions nyo sa ka-partner nyo. Bibigyan ko kayo ng five minutes to write down your impressions. Then, sasabihin nyo yun sa ka-partner nyo. Questions?"

Walang nag-raise ng kamay.

"Good. Please listen for your names and your partner's name," sabi nya at nagsimula na ngang mag-announce ng names.

"Mr. Allan Sandoval and Miss Lea Bautista,...Miss Amber Santillian and Miss Trisha Perez,..."

Yes!! Partner ko si Trisha!! At least, may pagkakataon na para makausap ko sya!!

After i-announce ni sir yung pairing, pinapunta na nya kami sa mga partner namin. Ako na ang lumapit kay Trisha dahil mukhang wala syang balak na lumapit sa akin.

"Trisha, galit ka ba?" tanong ko sa kanya.

"..."

"Okay class. I'll give you five minutes," sabi ni sir. Nagsimula nang magsulat si Trisha.

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon