Chapter 13

2.4K 49 0
                                    

CHAPTER 13

Jared’s POV

 

"No." Napailing-iling ako. This can't be happening... Hindi talaga.

"No, no no no... NO!!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa tumatawang si Cade.

"Ooops... sorry," sabi nya na naka-smirk pa which kind of ruined the apology. Sabayan pa na nag-burp sya.

TT.TT

"Tumakbo ka na habang may oras ka pa..." tahimik na sabi ko habang nakatitig sa container na wala nang laman.

I'm contemplating manslaughter at the moment...

Not. My. F*cking. Brownies!!!

Buti na lang nakaalis na sya. Kailangan ko munang iyakan 'yung mga brownies ko bago ko sila ipaghiganti!!

Halangyang lalaki yan!! Tinago ko na nga 'yung mga brownies ko sa kasuluk-sulukan ng tent, naamoy pa nya!!

After a while, dahan-dahan akong tumayo saka sumigaw ng... "CAAAAADE!!"

"He's sooo dead!!" I muttered as I stormed out of the tent. Hindi ko nga lang inaasahan na tumatakbo din si Warren papunta sa akin. The result? Bukol.

"Ano ba?!" I snapped as I moved to his right and stormed off.

"Jared... wait. Si-"

"Mamaya na Warren. May kailangan lang akong ilibing," seryosong sabi ko habang patuloy pa rin sa paghahanap sa walangyang Cade na 'yun. Tumakbo si Warren at hinarangan 'yung dadaanan ko.

"I don't have time for this Warren," naiiritang sabi ko bago ko sya itinulak palayo. Tapos, dahil feeling ko e nakikinig si Cade... "You're sooo dead, Cad-"

"Nawawala si Amber!!" desperadong sabi ni Warren. Napatigil ako mid-stride at lumingon sa kanya.

"What?!"

"She took off. Sinubukan ko syang habulin pero nawala na sy-"

"Baka naman namasyal lang..."

"No Jared. She's upset and she just... ran," napasuklay na lang sya sa buhok nya. Somehow, that gesture tells me something. Lumapit ako sa kanya at kinwelyuhan sya.

"What did you do?!" singhal ko sa mukha nya. Na-alerto yata 'yung iba pa naming mga kasama dahil nakapalibot na sila sa amin. Nakita ko pa nga si Cade pero palalampasin ko muna sya ngayon.

"I just... I didn't know," he said desperately. He licked his lower lip nervously as he glanced at Trisha. "Hindi ko alam na hindi alam ni Amber..."

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon